ZHAINA'S POV NAKAKAPAGOD din mag-isip ng mga bagay na alam mong 'di mo mahanap ang sagot. Nagugulumihanan ang puso ko kaya nagtungo ako sa Mall para kahit sa pamamagitan man lang nito ay mapawi ang mga isipin ko sa buhay. Pauwi na ako galing SM Mall dahil bumili ako ng mga kakailanganin sa school. Sasakay na sana ako ng taxi pero kinapa ko muna ang bulsa ko kung may pera pa akong dala ngunit wala akong natagpuan. Ugali ko kasing i-check muna kung may pamasahe pa ako pauwi bago sumakay. "Sakay ka miss?"tanong ni manong driver. "Ah. Wag na lang po muna, may hinihintay pa po kasi ako," pagsisinungaling ko sa kaniya. 'Di ako mapakali dahil siguradong may pamasahe pa ako. Chineck ko muna ang bag ko kung meron pa ba ngunit wala akong nasumpungan. Napa-buntong hininga ako. Kinuha ko ang resi