ZHAINA'S POV BIGLANG nagsalita si Terence kaya naman napalingon ako sa kaniya. "Where did you get this paper?" he asked me. "Nasa likod ng picture frame namin ni kuya," sagot ko. "Oh. Sinabi mo na pala sa'kin kanina. Pero paanong nangyaring nasa likuran siya ng picture frame na iyan?" tanong niya ulit. Ano Zhaina? Ikukuwento mo ba sa kanila ang nangyari sa kuya mo? Tama, 'eto na ang pagkakataon para humingi ng tulong sa kanila. "Uhmm.. kasi..." habang ako nagsasalita, sinusundan ng aking mga mata si Charles na paupo sa tabi ni Queen. Iniisip ko kung tama ba'ng sabihin ko ang nangyari kay kuya? I mean, ayoko silang mapahamak. Natatakot lang ako na baka ako pa ang maging dahilan ng malaking problema sa buhay nila. "Go ahead," Charles said. "Ako rin naguguluhan kung bakit nasa likuran