ZHAINA'S POV PAGPASOK ko sa dorm ay biglang sumalubong sa akin ang malamig na temperatura. "Oh my! I forgot to switched off the aircon." Agad ko siyang pinatay at saka binuksan ang electric fan para 'di mawala ang lamig. Pumunta ako sa bath room upang maligo at pagkatapos no'n ako ay nag-ayos. Habang nagsusuklay ako sa harapan ng salamin ay bigla na lang nag-brown out. "Pinaparusahan niyo na ba ako dahil 'di ko pinatay ang aircon?" sambitla ko saka napabuntong-hininga. May nakikita naman akong kaunting liwanag dahil sa full moon. Kinapa ko ang cabinet para kunin ang flashlight ngunit isang papel ang natagpuan ko. Nagulat ako dahil ito iyong papel na nasa likod ng picture frame namin ni kuya. Ang weird lang dahil biglang nakita ko ang sulat kamay ni kuya! And it was... "Shadow?"tanon