Cindy’s POV Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Justine. I don't know where are we going now. Lalo na't hindi pamilyar sa akin ang rotang aming tinatahak ngayon. The night goes deeper and colder. Nakabukas lamang ang pinto ng bintana nitong kaniyang kotse kaya hindi hamak na ramdam na ramdam ko ang lamig ng bugso ng hangin. Saka nagiing mabilis rin ang pagtakbo niya sa kaniyang kotse kaya hindi hamak na mas lalo ko lamang naramdaman ang bilis at lakas ng bugso ng hangin sa puntong ito. Hindi pa rin ako makapaniwalang hinayaan ko siyang gawin sa akin ito. Ilang beses akong nagtangkang pigilan siya pero nauunahan niya ako palagi. He always has the timing to stop me kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang magpatianod na lamang sa anumang desisyon na ginawa niya sa akin bawat pagkakataong n