Jessie’s POV Maaliwalas ang buong kagubatan, naglipala ang mga ibon sa kapaligiran. Ang mga puno ay masayang sumasayaw at nakaayon sa bugso ng hangin. May mga huni rin ng ibon na siyang kumukompleto sa imahe nitong buong kagubatan. Napahinto ako sa paglalakad. Napapikit ako at napaangat ng aking paningin. Nagpakawala ako ng malalim ng hininga. Sa puntong ito ay mas lalo ko lang ninamnam ang napakagandang simoy ng hangin, ang napakagandang tunog ng mga ibon at ang preskong presensya ng buon kagubatan. Ito ang unang beses na payagan akong lumabas ni ina sa kaharian. Noon pa man ay pangarap ko nang makarating sa gubat na ito. Wala na akong ibang hiling pa kung hindi ang makaratin ito at maliwaliw. Bilang isang diyos ay walang sino man ang hindi nais pumunta sa lugar na ito. Sa taglay niton