Jessie’s POV Ang kakaibang presensya ng paaralan ang unang bumungad sa aking paningin. Napakunot ako ng sarili kong noo lalo pa at hindi ko mawari kung ano ang mayroon sa araw na ito dahilan upang magmukhang kakaiba ang paaralan na ito ngayon. Napakaraming nagliliparang desinyo sa bawat sulok nitong paaralan at madalas doon ay mga pulang bagay na hindi ko naman mawari kung ano ang mga iyon. Sa ilang linggo kong pananatili sa paaaralan na ito ay ito ang unang beses kong mapansin ang kakaibang takbo nitong kapaligiran. Maraming tao sa ground na alam kong may kung anong pinagkakaabalahan ang maramin estudyante doon. “A-anong oras ba ang klase natin? Bakit hindi pa sila pumapasok sa tag-iisang silid nila? Saka alas otso ng, hindi ba tayo pupunta sa physic subject natin?” tanong ko kay Cind