Chapter 4

3610 Words
Jessie’s POV Gamit ang suot kong scarf ay mas lalo ko lang iyong ibinalot sa aking leeg. Sa puntong ito ay matahimik na ang buong hallway. Wala na akong ibang madatnan ni isang esatudyante o ang makasalubong man lang ni isa sa kanila. Napatingin ako sa bawat silid na aking nadadaanan. Hindi ko alam kung saang silid ako papasok lalo pa at ito ang unang beses na pumasok ako sa paaralan. Kung hindi lang sana dahil sa alaalang nakita ko kanina ay hindi sana ako papasok sa paaralang ito. Nagkaroon lang naman ako ng interes na pasukin ito dahil sa alaalang bigla ko na lamang nahagilap. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala na. Kailangan kong makihalubilo sa mundong ito alang-alang sa magiging landas ko. Kailangan kong makabalik sa mundong nararapat para sa akin. Matagal na panahon na akong nandito at kailangan kong makawala sa nakagapos kong panahon sa mundo ng mga tao. Kailangan kong putulin ang kadenang nakagapos sa akin at nang tuluyan nang mawala ang sumpa na nakakapit sa aking landas. Ilang hakbang pa ang aking natahak nang bigla ko na namang narinig ang pangalang kanina pa bumabagabag sa aking isipan. Hindi kaagad ako lumingon sa halip ay napahinto na lamang ako sa paghakbang. Ngayon ay rinig na rinig ko ang hakbang ng pa ana papalapit sa akin, hindi ako lumingon doon sa halip ay nanatili lamang ako sa aking hinihintuan. “Chantal! Saan ka pupunta? Darating na rin si ma’am kalaunan!” mahina lamang ang boses niya ngunit rinig na rinig ng aking tainga iyon. Lalo pa at kahit gaano pa iyon kahina ay magagawa at magagawa ko pa rin iyong pakinggan gamit ang kapangyarihang mayroon ako. Hindi ako gumalaw sa halip ay nanatili lamang akong nakatalikod mula sa babaeng ito. “Ano ang problema?” kasabay ng pagbitaw niyang muli sa katatagan na iyon ay ang paghawak niya sa aking balikat. Mabilis akong naalerto at napaharap sa kanya ngayon. Siguro dahil sa naging mabilis kong pagharap sa kanya kaya siya nagulat sa akin. “B-bakit parang nakakita ka ng multo? May problema ba, Chantal? Pumasok na tayo at alam kong paparating na si Miss Yoon ngayon. Lagot tayo kapag wala pa tayo sa loob.” Wika nito saka hinawakan ang aking palapulsuhan. Hindi na ako nakapagsalita pa sa halip ay hinayaan ko na lamang siyang hilahin ako papasok sa silid na aking nadadaanan. Wala akong imik na sumama sa kanya. Hindi ko na rin alam pa ang aking sasabihin lalo pa at hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutukoy. Ngunit isa lang naman ang alam ko sa pangalang palaging naririnig ko. Chantal… Ang pangalan ng katawang dala-dala ko ngayon. Ang pangalan ng katawang pinapasukan ko. Ang matahimik na silid ang siyang bumungad sa akin. Napatingin ako sa babaeng may kaparehong uniporme ko. Sinubukan ko pa ngang-basahin ang kanyang isipan ngunit wala akong makitang kakaiba sa kanyang alaala. Sinundan ko na lamang ang kanyang yapak hanggang sa makarating kami sa dalawang upuan. Sa kabilang parte siya umupo at may naiwang bakante kaya doon na lang rin ako nakaupo. Wala akong ideya kung ano ang aking gagawin. Wala akong ideya kung anong klaseng pagkatao ang pangalang Chantal na palaging tinatawag sa akin. Wala akong ideya kung anong klaseng tao ang katawang sinasaniban ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang nararapat kong gawin. Maaring may nakasanayan siyang gawin. Maaring may personalidad ang pangalang Chantal na iyon kaya kailangan kong magkunwari at hindi nila dapat mahalatang hindi ang totoong Chantal ang nakakubli sa katawang ito ngayon. Nanatili akong tahimik sa gitna ng silid na kinaroroonan ko ngayon. Panay pa ang aking paglilibot ng paningin lalo pa at kailangan kong malaman ang kanilang mga galaw at nang hindi nila ako mahalata. Kailangan kong makibagay sa mga mortal na nilalang na ito. Kailangan kong makibagay at hindi mahalata at baka pagdudahan pa nila ako. Ilang minuto akong nakaupo lamang lamang at walang imik at tahimik sa tabi ng babaeng bigla na lamang humila sa akin. Gamit ang aking mga mata ay marahan kong pinalibot ang aking paningin sa buong silid- - - kadalasan sa mga estudyanteng narito ay may hawak na libro at abala sa pagbabasa. Napatingin na rin ako sa babaeng katabi ko ngayon, ang babaeng bigla na lamang na humila sa akin kanina at ngayon ay tanaw kong may kung anong binabasa na rin siya sa kanyang harapan. Isa itong makapal na librong may napakaraming letrang nakasulat doon. Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanya. Kaagad akong napaiwas ng tingin sa kanya nang mapansin ko ang mabilisang pagbaling nito sa akin. Mabilis na napalipat ang aking paningin sa aking saan ngunit pansin na pansin ko ang mga mata nitong alam kong nakapako lamang sa aking presensya. Hindi ko man nabasa ngunit alam kong may tanong na bubuo sa tingin niyang iyon. Hindi ko nagustuhan ang tingin niyang ito na animo’y kakainin niya at anumang minuto ay aatake siya sa akin. “Bakit ka tahimik lang diyan? Hindi ka ba magbabasa? Aba, malupet,” wika nito sa akin saka mabilis na itiniklop ang librong hawak-hawak niya at kaagad na inilapit ang kanyang paningin sa aking presensya. Ngayon ay sobrang lapit na ng aming paningin at wala akong ibang magawa kung hindi ang mapaatras ng kunti lalo pa at hindi ako sanay sa ganito kalapit na pagtitinginan. “Tapos ka nang magreview? Bigyan mo ako ng mga sagot ha?” bulong nito sa akin, magkalapit pa rin ang aming paningin. Mula sa kanyang mga mata ay mabilis kong ibinaling ang aking paningin sa kung saan. Dammit! Say something, Jess! Hindi ka nila maaring mahalata! Kailangan mong panindighang ikaw ang tinutukoy nilang si Chantal! Hindi ka nila maaring mapansing kakaiba ang nasa katawang ito! Kailangan mong magkunwaring isa sa kanila at nang magawa mo nang mabuti ang iyong misyon! “Ah, eh… O-oo. T-tapos na ako. Ikaw ba? Ano iyang binabasa mo?” wala sa sarili kong tugon. Ito na yata ang unang beses na makipag-usap ako sa mortal na tao nang ganito katino. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kunting kaba. Hindi ko man nais ngunit hindi ko maiwasang maramdaman iyon. Siguro isa iyon sa kahinaan ng katawang mayroon ako ngayon. “Haaays, tapos na raw siyang magbasa pero hindi alam ang binabasa ko. Ewan ko sa’yo, Chantal. Bahala ka na nga diyan. Darating na rin si Miss Yoon. Ayaw kong bumagsak sa klase niya,” wika nito sa akin saka mabilis na bumaling sa librong nasa kanyang harapan. Muli niya itong binuksan saka nagpatuloy na lamang sa pagbabasa doon. Kapansin-pansin ang seryoso nitong tingin mula sa librong binabasa. Inulit-ulit pa nga niya ang ibang letrang nakasulat dito. Ngayon ay unti-unti ko na ring nakuha ang kanilang ginawa, Gamit ang aking kapangyarihan ay marahan kong pinagdidikit ang aming mga kamay at sa punting ito ay kaagad na pumasok sa aking isipan ang mga ideya mula sa kanyang binabasa. Iba’t-ibang ideya iyon at hindi ko alam kung ano-ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Ngunit isa lamang ang tanging alam ko at iyong parte sa pag-aaral na alam kong iyon ang kanilang ginagawa sa mga oras na ito. Nag-aaral sila. Kung iyon ay hindi ko na pala kailangang mag-aral. Gamit ang kapangyarihang mayroon ako ay walang kahirap-hirap kong gawin ang kanilang ginawa nang mas madaling panahon. Hindi ko na kailangan pang maghirap tulad ng kanilang ginagawa at gawing baliw ang sarili sa pag-aaral nang kung ano-ano. Ilang minuto akong naging kalmado. Hindi na ako nag-abala pang gumawa nang kung ano-ano sa halip ay pinagmasdan ko na lamang silang abala sa pagkalkal sa hawak nilang libro. Hindi nagtagal ay mabilis ko ring napansin ang mabilisang pagbabago ng kani-kanilang posisyon. Mabilis nilang itininiklop ang hawak nilang libro at kaagad na humarap sa harapan.Sabay-sabay nila iyong ginawa na animo’y may isang taong nagkokontrol sa kanilang mga galaw. Tulad ng kanilang ginawa ay napatingin na rin ako sa aking harapan. Ngayon ay tanaw ko na ang babaeng may edad na ang tindig. Mula sa kanyang pagkakahawak ay marahan niyang inilapag ang librong hawak niya. Suot niya ang makapal na eyeglasses, pormang-porma ang guhit ng kanyang kilay ang ang labi nito’y nakaayon sa porma- - - sa kanyang tindig ay halatang malaki ang posisyon niya sa paaralang ito. Napatingin ako sa aking mga kaklase, ngayon ay pansin na pansin ang amo sa kanilang pagmumukha na animo’y takot na takot sila sa babaeng ito. Hindi nagtagal ay mabilis rin silang tumayo. Hindi ko man alam kung ano ang kanilang ginagawa ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang sumunod na lamang lalo pa at iyon naman ang tanging ginawa nilang lahat at kailangan kong makibagay. “Magandang umaga, Miss Yoon.” Sabay-sabay nilang sambit. Sa sobrang dami nila ay ako lang yata ang hindi kaagad nakakasunod sa kanilang ginawa. Ilang segundo pa at mabilis rin silang yumuko- - - sa puntong ito ay hindi ko na nagawa pa ang kanilang ginawa. Buti na lamang at hindi nila ako napansin gayong kaagad rin namang silang bumalik sa kanilang tindig. Walang sino man ang makakapagpapayuko sa akin sa mundong ito. Kung hindi lang sana dahil sa aking misyon ay hindi na sana ako narito at magkukunwaring isa sa mga mortal na ito. Hindi ako nararapat sa lugar na ito at kailanman ay hindi ko dapat pinagtitiyagaan ang katawang ito. Mahina ang mga tao. Wala silang anumang kakayahan na maaring panlaban nila sa kung ano man. Kaya kailanman ay hindi ko maaring maipakita sa kanila ang totoong kakayahan ko. Hindi ko maaring ipakita ang kilos at kakaiba kong pagkatao lalo pa at alam kong magugulat sila at maaring pagkakaguluhan lang nila ako. Alam kong kaya kong gawin ang anumang nais ko. Ayaw ko lang nang may hahadlang sa plano ko. Upang magawa ko nang maayos ang aking plano ay kailangan kong makibagay at magkunwaring isa sa sanila. Sabay-sabay silang umupo kalaunan. Panay pa rin ang pagsunod ko sa kanilang ginawa. “Iligpit niyo na ang mga aklat ninyo at mga gamit at magsisimula na ang pasulit. Ihanda ang isang pirasong papel at ballpen at siguraduhing iyon lamang ang tanging nakalagay sa inyong mga mesa at wala nang iba.” Seryosong ng babaeng nasa aming harapan. Ngayon ay mabilis na sinunod ng mga kasamahan ko ang inutos ng ginang na ito. “Hati tayo dito sis.” Wika ng babaeng nasa aking gilid saka binigay ang isang pirasong papel sa aking mesa. Kumuha na rin ako ng ballpen at tulad ng kanilang ginawa ay sinulat ko ang pangalan sa papel na nasa aking harapan. Chantal Reyes… ang pangalang kusa na lamang na naisulat ng aking kamay doon. Siguro pag-iisap ko lamang ang maaring nakontrol ko ngunit ang mga nakagawiang gawin ng katawan ng taong ginagamit ko ay nanatili pa rin sa kanyang katawan. Chantal Reyes ang kanyang pangalan. Simula ngayon ay dapat na akong masanay na tawagin sa ganoong pangalan. Kailangan ko nang masanay at magkunwaring walang nagbago sa katawan ng pinagtataguan ko ngayon. Mariin kong sinunod ang mga galaw nila. Tulad ng ginawa ng babaeng nasa aking gilid na alam kong malapit na kakilala ng katawan ko ay mariin akong nakikinig sa mga tanong ng ginang na nasa aking harapan. Gamit ang aking kapangyarihan ay itinuon ko ang aking kamay sa librong nakatago pa sa aking inuupuan saka ko binasa ang mga letrang nakasulat doon. Walang kahirap-hirap kong sinagutan ang mga tanong ng ginang na nasa aking harapan. Pansin na pansin ko pa ang katabi kong gulat na gulat nang mamataan ang papel kong wala ni isang bakante habang ang sa kanyang ay napakaraming walang nasagutan nang ito ay aking silipin. Kung hindi lang dahil sa akin ay maaring tuluyan na niya iyong naipasa nang walang sagot na naisulat iyong iba. Lumipas ang ilang minuto at natapos rin ang pasulit na iyon. Walang kahirap-hirap ko lang iyong ginawa habang ang mga kasamahan ko ay pansin na pansin ko ang hirap sa kanilang mga mga. Hindi ko alam kung bakit kailangang maghirap nang ganoon ang mga tao. Kung bakit kailangan nilang ilagay ang sarili sa hirap kung may madaling paraan naman. Bakit kailangan pang magkaroon ng pasulit sa exam kung maari namang mabuhay ang tao kung wala iyon. “Hindi ako makapaniwalang nagawa mo iyon, Chantal!” seryosong wika niya. Napahinto ako sa paglalakad sa kalagitnaan ng hallway na ito nang mabilis akong hinarangan ng babaeng kanina ko pa pansin ang pagtatalak sa aking likuran. Tumingin siya sa aking mga mata. Sa puntong ito ay mabilis niyang pinadapo ang kanyang kamay sa aking leeg saka niya pinaramdamaman ang aking nararadaman na animo’y may kung ano sa aking leeg kahit na alam kong wala naman. “May lagnat ka ba? Ano ang nakain mo at nagawa mong sagutin ang pasulit ni Ms. Yoon kanina?” wika nito sa akin. Sa puntong ito ay nanatili pa rin siyang nakatingin sa aking mga mata at halata pa rin doon ang matinding gulat. Gulat sa nangyari kanina. Dapat pala hindi ko iyon ginawa. E, sana hindi siya nagkaroon ng ideyang kakaiba sa akin. Hindi ko alam ngunit kabisado akong hindi iyon isa sa katangian ni Chantal. Maaring naging bago iyon sa paningin ng babaeng ito kaya ganito na lamang siya kung makapag-react sa nagawa kong iyon kanina sa pasulit ng Ms. Yoon na iyon. “Wala akong sakit. Anong oras na ba?” wika ko nang hindi nakatingin sa kanyang gawi. Ngayon ay pansin ko ang pag-angat niya ng kanyang palapulsuhan at ngayon ay tinitingnan na niya ang orasahan doon. “Alas kuwatro na ng hapon. Oo nga pala, mauna na ako at kailangan ko pang dumaan sa karenderya ni nanay. Iiwan n akita, ah!” wika nito sa akin ngunit bago pa man siya tuluyang umalis sa aking harapan ay tinitigan niya mula akong muli sa aking mga mata. “Salamat kanina, ah! Keep it up!” ngiting sambit nito sa akin saka tuluyan nang nakaalis sa aking harapan. Hindi ko na rin siya pinigilan pa. Sa wakas ay nakawala na rin ako sa maingay niyang presensya. Kanina pa siya talak nang talak sa aking tabi at nais ko mang makawala sa kanyang presensya ngunit hindi ko iyon basta-basatang gawin gayong alam kong hindi iyon katangian ni Chantal. Kailangan kong umastang kilala ko siya. Simula pa naman ito. Habang tatakbo ang oras ay maaring masasanay rin ako. Magawa ko ring sanayin ang aking isipan na umasta bilang Chantal at tanggapin ang panibagong buhay na mayroon ang katawang ito. Hindi ko maipangakong magagawa kong panindigan ang totoong pagkatao ng katawan na ito ngunit sisikapin kong magawa ko iyon. Lalo pa at hindi nila maaring mapansing kakaiba ang Chantal sa nakilala nila dati. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng hallway. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa makababa ako at makarating sa malawak na ground. Pansin ko ang dahan-dahang paglubog ng araw. Alam kong hudyat na naman ng paggabi at sa puntong ito ay kailangan ko nang umuwi. Habang naglalakad ay kaagad akong napahinto nang mapansin ang paggalaw ng cellphone mula sa aking bulsa. Sa puntong ito ay mabilis ang naging pagbaling ko doon. Kusa na lamang iyong nagbukas nang akong iangat at ang mensahe sa screen ang unang bumungad sa akin. “Nasaan ka na? Chantal? Kailangan kita rito sa bahay. Umuwi ka na nang mas maaga!” mariin akong napatingin sa mensaheng iyon. Wala man akong ibang ideya kung ano ang mensaheng iyon ngunit halatang-halata sa aking pakiramdam na malapit sa akin ang taong iyon. Hindi ko alam kung saan ako uuwi at mas lalo hindi ko alam kung saang daanan ba ang tatahakin ko. Hindi ko naman maaring lisanin ang katawan na ito gayong alam ko na kapang ginawa ko iyon ay wala na akong babalikan pa. Kailangan kong manatili na lamang sa katawan na ito hanggang sa magawa ko ang aking misyon. Kailangan ko na lamang na taggapin ang anumang pagkatao na mayroon siya ngayon. Ilang segundo akong napatitig sa hawak kong telepono saka iyon muling ibinalik sa aking bulsa. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at wala na akong pakialam pa ngayon kung saan man ako pupulutin ng sarili kong mga paa. Basta pinagkatiwala ko na lang mula sa aking paghakbang ang direksyon na maaring tatahakin ko sa puntong ito. Unti-unti ko na ring napapansin ang dahan-dahang paglabas ng estudyante sa paaralan. Ilang segundo lamang ang lumipas nang kaagad ko na namang napansin ang presensyang mabilis na humarang sa aking harapan ngayon. Nakayuko lang ako kaya hindi ko tanaw ang kanyang mukha ngunit pansin na pansin ko ang kanyang suot na sapatos at pamilyar na pamilyar iyon sa akin. “Chantal…” mahinang sambit niya. Baritonong boses ang siyang kaagad na bumalot sa aking pandinig. Alam kong kilala ko ang boses na iyon lalo pa at sobrang pamilyar niyon sa akin. Dahan-dahan ko na lamang na inaangat ang aking paningin. Sa puntong ito ay dahan-dahan ring nabubuo sa aking paningin ang kanyang pagmumukha. Habang inaangat ko ang aking paningin ay unti-unti kong naaninag ang mga mata niyang nakatingin lamang sa aking atensyon. “Ano ang kailangan mo?” seryosong tanong ko. Napatingin ako mula sa kanyang likuran at ngayon ay pansin kong wala na siyang kasama.. Kaagad kong natanaw ang ngiti mula sa kanyang labi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa ngiti niyang iyon. “Hanip ka rin ano? Sa tanong mong iyon ay parang wala kang kasalanang nagawa. Halika!” mabilis na sambit niya at kasing bilis ng pagsambit niyang iyon ay ang mabilis niyang paghawak sa aking kamay saka ako hinila papasok muli sa matahimik na silid. Nais kong kuwala mula sa pagkakahawak niyang iyon ngunit hindi ko magawa lalo pa at masyadong malakas ang pagkakahila niyang iyon sa akin. Saka masyadong mahina ang katawan na ito upang pigilan siya. Hindi ko naman maaring gamitin ang kakayahan ko gayong maaring may makakakita sa akin dito kaya wala na akong ibang magawa kung hindi ang hayaan na lamang siyang hilahin ako hanggang sa makarating kami sa hallway ng matahimik na silid paaralan. “Ano ba! Bitawan mo nga akong kumag ka!” malakas na pagsambit. Saka kumbinsido na rin akong nailabas ko na ang lahat ng lakas ko ngunit hindi ko pa rin magawang pigilan at tapatan ang kanyang lakas at nang mabitawan niya ako. Hindi siya sumagot o kahit ang tumigil sa pagkakahila sa akin. Hanggang sa puntong narating namin ang matahimik na hallway na alam kong malayo na ito sa ground kung saan ang maraming estudyanteng nagtatambay. Alam kong kahit na anong sigaw na maaring gagawin ko ay walang makakarinig sa akin sa sobrang tahimik nitong hallway. Mabilis rin niya akong binitawan. Ngayon ay nakatayo lamang ako sa tapat ng pader sa hallway na ito habang siya ay seryoso na nakatayo sa aking harapan. “Hindi mo alam ang ginagawa mo,” seryosong sambit ko. Sa pagkakasambit kong iyon ay pinapakita ko mula sa akinbg mukha ang matinding tapang. Na kailanman ay hinding-hindi ako natatakot sa kanya.. Kung wala lang sana ako sa mundo ng mga tao ay kanina ko pa sana ginamit ang lakas na mayroon ako sa hinati-hati sa piraso ang katawan ng lalaking mayabang na ito! “Hindi mo ba ako kilala? Hindi mo ba alam kung ano ang sa unibersidad na ito?” tanong niya sa akin. Punong-puno ng pagmamayabang ang boses niyang iyon na animo’y sobrang liit lang ako mula sa kanyang paningin. Kung makaasta siya ay parang siya na ang pinakamalakas na nilalang sa mundong ito. Sobrang yabang niya! Kung tutuusin ay kaya ko lang siyang tirisin gamit lamang ang aking daliri. Kaya ko siyang alisin sa mundong ito gamit lamang ang aking paningin.. Ngunit pasalamat siya at limitado lamang ang maaring magawa ko sa loob ng mundo na ito. Kung wala lang sana akong mga bawal at dapat sundin ay kanina ko pa siya inalis sa aking paningin o ang alisin sa mundong ito. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Hindi ko alam ngunit kusa na lamang na umatras ang aking mga paa saka unti-unting naradaman ang takot mula sa aking puso. Siguro iyon ang idinidikta ng katawan kung nasaan ako ngayon. Tunay nga talagang mahina ang Chantal sa likod ng katawan na ito. Wala na akong magawa pa kung hindi ang mapaatras na lamang hanggang sa marating ko ang matigas na pader. Napahinto ako doon saka ilang segundo pa nang tuluyan nang nagkadikit ang aming katawan. Hindi ko alam ngunit mas lalo lang naging malakas ang pagtibok ang aking puso. Magkaiba ang nararadaman ko mula sa aking isipan at sa aking puso at hindi ko alam kung alin doon ang aking susundin- - - ang takot ba mula sa aking nararadaman o ang tapang mula sa aking isipan. Nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata. Ramdam na ramdam ko ang takot mula sa kanyang mukha. Naging mas matangos pa ang kanyang ilong mula sa aking paningin nang tuluyan na siyang naging malapit sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan na lamang ang aking katawan na mapasandal sa pader. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatingin sa akin at hindi ko alam kung bakit parang may namumuong kakakaibang pakiramdam habang pinagmasdan ko ang kanyang mga titig. Ni amoy na amoy ko na ang kanyang hininga at ang panlalaki niyang pabango sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. “Ako si Mikael. Imposibleng hindi mo ako kilala…” pagpapatuloy pa nito sa akin. Sobra nang lapit ang kanyang bibig sa aking tainga at sa sobrang lapit n’on ay ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa bawat katatagang kanyang binitawan. Nais ko siyang gulpihin ngunit hindi ko alam kung bakit iba ang dinidikta ang katawan na ito. Ang inaasta nitong parang nanaisin na lamang nito ang manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD