Chapter 5

3624 Words
Jessie’s POV Ang masarap na simoy ng hangin ang siyang bumalot sa aking pang-amoy ngayon. Nakatuon lamang ang aking paningin sa malapad na ground nitong paaralan habang pansin na pansin ko ang kaibigan ng katawang mayroon ako ngayon. Napalingon ako sa aking gilid at dito ay pansin ko ang presensya niyang abala lamang sa pagbabasa ng libro. Ilang segundo akong nakatitig doon, ang librong punong-puno ng mga salita ang siyang pinagkakaabalahan niya. Hindi ko lubos maisip kung hindi ba siya napapagod na basahin ito. Lalo pa at alam kong sobrang kapal nito ay matatagalan at mahabang oras pa ang kanyang tatahakin bago niya ito matapos. Siguro ganito nga talaga ang mga tao, sanay na sila matagal na proseso. Kung pagbabasa lamang ang pag-uusapan ay kaya ko iyong gawin sa mas madaling panahon lamang. Ni isang segundo lang ay kaya ko nang basahin ang isang makapal na libro at sobrang ikli lamang iyon kumpara sa kakayahang mayroon ng isang tao. Napatingin akong muli sa aking harap, ngayon ay pansin ko ang mga lalaking panay ang paglalaro ng basketball. Ang unang kumuha ng aking atensyon ay ang lalaking nakahubad ang pag-itaas nitong katawan. Pansin na pansin ko ang presensya nitong ilang beses na bumaling sa akin. Hindi ko iyon pinansin sa halip ay nilipat ko na lamang ang aking paningin sa kabilang banda nitong ground. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng inis sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha. Ang lalaking nagpapainit ng aking dugo. Nais ko siyang mawala sa aking paningin ngunit hindi ko naman iyon basta-basta gawin sa mundo ng mga tao. Limitado lamang ang maari kong gawin. Simula nang napunta ako sa mundong ito ay natuto na rin akong mabuhay nang hindi nagagamit ang buong lakas ko. Limitado lamang ang kakayahang pinagkaloob sa akin. Parte na rin siguro ng kaparusahang mayroon ako. Hindi ko nagagamit nang buo ang aking kapangyarihan at ilang daan ko nang pananatili sa mundong ito ay nasanay na rin akong mabuhay nang ganito. Hindi nagtagal ay bumaling na rin ako sa dala kong bag. Doon ay kinuha ko ang librong nasa loob nito saka ko iyon binuksan. Wala na rin naman akong ibang pagpilian kung hindi ang libangin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro kung hindi buong sandaling nakatuon ang aking atensyon sa aking harapan at hinding-hindi ko magawang maiwasan ang mga lalaking naglalaho sa ground. Hindi ko alam ngunit sa tuwing napapansin ko ang lalaking iyon na nakatingin sa akin ay hindi ko mapigilan ang dugo ko sap ag-angat. Kahit pa hindi naman ako interesado ay pinilit ko ang sarili kong makapagbasa ng libro. Nakatingin ako doon ngunit kailanman ay hindi ko ginawa ang pagbabasa. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ba kaming mananatili sa ground na ito. Hindi ko alam kung palagi ba kaming narito tuwing vacant time namin. Hindi ko rin maiwasan ang mapatingin sa relos na nasa aking kamay at doon ay tingnan ang oras. Alas onse pa lang. Ilang oras na lang ay alam kong kakain na rin kami. Unti-unti na ring nakaradaman ng gutom ang katawan ng mortal na tao kung nasaan ako. Sa tuwing nakakaramdam ng gutom ang mortal na pinatilihan ko ay nakakaramdam rin ako ng panghihina. Pakiramdam ko ay hindi ako maayos na nakapag-isip at nahihirapan akong kontrolin ang katawan na ito kaya dapat ay hindi ako maaring nalilipasan ng gutom. Ilang minuto pa nang mapansin ko ang kakaibang titig ng mga estudyanteng nasa kabilang upuan rin nitong grounf. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at kung bakit sila nakatingin sa akin gawi. Napakunot ako ng aking noo. Hindi ko kaagad hinawi ang librong hawak-hawak ko ngayon hanggang sa hindi na ako nakapagpigil at tuluyan ko na rin itong hinawi sa aking paningin.. Unang bumungad sa aking atensyon ang bolang nasa aking harapan. Hindi ko pinagpatuloy ang pag-angat ng aking paningin ngunit pansin na pansin ng aking paningin ang pang papalapit sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ko ng kunting kaba. Nais ko mang baguhin ang nararadaman kong iyon ngunit walang sapat na lakas ang aking isipan upang kontrolin ang katawan kung nasaan ako ngayon. Napansin ko na ring ang katabi kong nakatingin na rin sa akin. “Bingi ka ba?” ang bungad niya sa akin. Hindi kaagad ako umangat ng tingin sa halip ay nanatili lamang akong nakatingin sa bola na ngayon ay nasa aking paa na. Alam kon sa puntong ito ay nakahinto na siya sa aking harapan lalo pa at sobrang lapit na ng kanyang paa sa aking mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin. Mula sa kanyang paa ay kasunod na bumungad sa aking paningin ang kanyang katawan. Hindi ko alam ngunit parang unti-unti kong naramdaman ang paglakas ng t***k ng puso ng katawan na ito. Nais ko itong kontrolin ngunit kusa na lamang iyong nagbabago. Ni wala sa isip ko ang lahat ng ito basta tanging alam ko lang ay parang hindi ako mapakali at alam kong pakana iyon ng katawan na aking pinamugaran ngayon. Hindi ako sumagot sa halip ay huminto pa ang aking paningin sa matigas niyang katawan. Kapansin-pansin ang kakaibang hugis nito na kahit saang sulok man ng kanyang katawan ituon ang aking atensyon ay bakat na bakat ang maskuladong hugis nito. Kung titingnan ay parang kay tigas nito ni parang bato. Punong-puno ito ng pawis. Ni pansin ko pa ang bawat pagpatak ng pawis niya sa kanyang dibdib. Mas lalo pang naging malinaw sa aking paningin ang bawat kurba nito nang tumama ang ilaw mula sa araw. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi ko na namalayan pa ang takbo ng oras. Kasunod kong naramdaman ay ang pagtulak ng aking katabi ngayon. Mabilis akong napakurap saka mabilis na nilipat ang aking atensyon sa kanyang mukha. Sa puntong ito ay pansin na pansin ko ang seryosong pagtingin niya sa akin. Sinubukan ko iyong iwasan ngunit sino ba siya para iwasan ko? Kung tutuusin ay kaya ko siyang alisin sa akin paningin gamit lamang ang aking daliri. Wala siyang laban sa akin kaya hindi dapat ako matakot. Sa halip na ipakita sa kanya ang takot ay kakaibang reaksyon ang ipinakita ko. Nanatili lamang siyang nakatingin sa aking mga mata habang bakat na bakat doon ang galit ngunit wala akong pakialam sa reaksyon niyang iyon. “Ibigay mo sa akin ang bola,’ mahinang sambit niya sa akin habang nanatili pa ring nakabakat sa kanyang reaksyon ang tapang. Sa pinakawalan niyang boses ay kapansin-pansin ang tapang at yabang doon. Wala akong naging ibang reaksyon kung hindi ang mapangiwi. Lalo pa at hindi ako makapaniwala sa inasta niya sa aking harapan ngayon. Sino ba siya upang pag-utusan ang isang diyos na tulad ko? Kung alam lang sana niya kung ano ang maari kong gawin ay siguro kanina pa siya nakaluhod sa aking harapan at nanginginig sa takot. Ngunit hind isa halip ay yabang ang galit ang pinakita niya sa akin. Hindi ako kumibo sa halip ay mas lalo ko lang tinapatan ang pagtingin niya sa aking mga mata. Kung ano ang naging reaksyon niya ngayon ay ganoon rin ang ibinalik ko sa kanya. Seryoso rin akong nakatingin sa kanyang mga mata at pilit na nilabanan ang bawat pagtingin niya sa akin. Wala akong pakialam kung gaano man katindi ang galit na kanyang nararadaman ngayon. Sino ba siya upang katatakutan ko? “Hindi mo gugustuhin ang ginagawa mo,” mahinang sambit ko. Ngayon ay tuluyan na akong nakatayo sa kanyang harapan. Dahan-dahang nagbago ang akin reaksyon, mula sa pagiging seryoso ay dahan-dahang umangat ang aking kilay. Dahan-dahan ko siyang tinarayan. “Sino ka ba para tanggihan ang utos ko?” tanong niya na parang wala pang tumatanggi sa naging utos niya buong buhay niya. Sa tanong niyang iyon ay parang sanay na sanay siyang ituring na diyos at ginagalang na animo’y mayu kapangyarihan siyang taglay.. Hindi ako nagsalita sa halip ay marahan kong binago muli ang aking reaksyon. Binaba ko ang aking kilay mula sa pang-angat at mula sa pagtataray ay ibinalik ko ang reaksyon ko sa dati. Sa isang iglap ay naging mabait ang aking reaksyon. “Okay…” seryosong wika ko saka marahan kong pinulot ang bolang nasa aking harapan. Hindi ko pinahalata sa kanya ang pagtataray ko. Nang tuluyan ko nang nakuha ang bola na tinutukoy niya ay saka ako tumayo at tumingin muli sa kanyang mga mata. Mahigpit kong hinawakan ang bola na ito saka naging seryoso pa ang aking paningin sa kanyang mga mata. Sa puntong ito ay pansin kong sa amin na nakatuon ang bawat atensyon ng mga estudyanteng narito sa ground. Alam kong sa puntong ito ay nagtataka sila kung ano ang magiging plano at gagawin ko. Kasabay ng pagseryoso ng aking mukha ay ang mabilis kong paggalaw. Mabilis kong inangat ang aking paa saka ko pinatid ang kanyang balakang. Wala na akong pakialam pa kung saan iyon tumama basta kasunod kong naramdaman ay ang mabilisang pagbabago ng kanyang reaksyon. Ang kaninang seryosong pagtingin sa akin ay napalitan iyon ng kakaibang reaksyon na animo’y nagdudusa sa sakit na hatid ng pagpatid kong iyon sa kanyang balakang. “Ito ang bola mo,” malditang tugon ko. Hindi nagtagal ay mabilis ko ring naramdaman ang pag-hawak sa akin ng kaibigan ko saka mabilis na hinwakan ang aking kamay. Mabilis ang naging paggalaw niya na alam kong hindi inasahan ang ginawa kong iyon. Kung mahina ang katawan na ito pwes ako ay hindi. Kung mahinhin ang Chantal na nakasanayan nilang makita pwes ako ay hindi. Hinding-hindi ko hahayaang aapihin lamang ako ng isang mortal na tao na wala namang ibang kakayahan kung hindi ang magyabang lamang at ipakitang malakas sila kahit na hindi naman talaa. Kung tutuusin ay walang-wala lang ang lakas na mayroon sila sa lakas at kakayahang maari kong gawin. “P-pasensya ka na sa kabigian ko, Kael,” utal na sambit ng aking kaibigan. Hindi ko na rin sinaway pa ang kanyang gusto at hinayaan ko na lang na hilahin niya ako papalayo sa mayabang na Mikael na iyon. Kung inaakala niyang kaya niya ang lahat ay nagkakamali siya. Kung inaakala niyang kaya niyang kontrolin ang lahat ay nagkakamali siya. Hindi siya ang dapat na galangin at kailanman ay hinding-hindi ako luluhod sa kanyang harapan. “Besh, malaking gulo itong pinasok mo,” ilang metro ang nalakad namin saka siya huminto sa paghila sa akin. Pareho kaming napahinto sa paghakbang at sa puntong ito ay nakaharap na siya sa akin. Kapansin-pansin mula sa kanyang mga tingin ang matinding gulat. Alam ko naman na hindi iyon ang karaniwang ginagawa ng isang Chantal. “Ano ba ang nararapat kon gawin? Masyado siyang mayabang. Akala niya ay kaya niyang utusan ang kung sino man na nais niya. Huwag ako dahil kailanman ay hinding-hindi niya ako magagawang kontrolin. Ang taong tulad niya ay nararapat lang na mapagtuunan ng leksyon at hindi dapat kinokonsente!” seryoson wika ko. Kapansin-pansin mula sa aking boses ang matinding galit. Nanatili nang ilang segundo ang katahimikan sa gitna ng pag-uusap namin ng aking kaibigan. Huli na rin nang mapansin kong naging seryoso na ang kanyang pagtingin sa akin. “Parang hindi ko kilala si Miakel, Chantal. Kaya niyang gawin ang lahat sa loob ng campus na ito. Sa pinakita mong iyon ay parang kinalaban mo na rin siya. Ewan ko lang kung titigilan ka pa ba n’on,” wika nito sa akin saka umiwas ng tingin sa akin at ngayon ay alam kong sa malawak na ground na naman nakatuon ang kanyang atensyon. “Saka wala pang nakakatanggi sa anumang alok o utos niya. Ikaw pa lang kaya isa iyong malaking insulto para sa kanya. Naku! Goodluck na lang sa’yo, besh!” pagpapatuloy nito sa akin. Kapansin-pansin sa kanyang boses ang pananakot ngunit kailanman ay hindi ako nakaramdam ng takot. “E ‘di kakalabanin niya ako. Hindi ako iyon tipong taong sumusunod sa anumang utos ng kapwa tao ko,” mahinang wika ko saka nagpatuloy na lamang sa paghakbang. Sa puntong ito ay nauna na akong humakbang papunta sa canteen. Ngayon ay tuluyan ko nang naradaman ang gutom at kailangan ko na ring makakain sa mas madaling panahon. Walang pang katao-tao ang canteen nang magtungo kami doon. Siguro pasado alas onse pa lang at hindi pa naman breaktime kaya kami pa lang ng kaibigan ko ang narito sa canteen. Alam kong kakaiba ang inasta ko kanina. Hindi ko dapat pinakita sa maraming tao ang kakaibang galaw na iyon lalo pa at maaring tuluyan nilang pagdudahan ang aking galaw. Alam kong hindi iyon ang karaniwang ginagawa ng katawan na ito. Base sa aking nararamdaman ay mahinhin ang katawan na ito at mahina. Ngunit hindi ko magawang kontrolin ang aking sarili. Lalo pa sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng lalaking iyon. Pakiramdam ko ay may kung anong nagtutulak sa akin dahilan upang lumiyab ang matinding inis sa aking sarili. Mabilis kaming kumain sa canteen. Hindi na kami nagtagal pa doon gayong tulad ng sinabi niya ay dapat raw maaga kaming pumasok sa unang asignatura namin ngayong hapon. Siguro tulad kahapon ay si Miss Yoon na naman ang magiging guro namin. Hindi ko alam kung bakit sobra na lamang ang kaba niya pagdating kay Miss Yoon. E, para sa akin ay wala lang naman iyon. Siguro nga dahil sa kung paano ito magbibigay ng pasulit. “May exam ba ulit tayo ngayon kay Miss Yoon?” tanong ko habang nakatingin sa kanyang mukha. Ngayon ko pa lang naisip na kailangan ko palang alamin ang kanyang pangalan. Napatingin ako sa kanyang ID, palihim lang akong nakasilip doon at palihim rin na binasa ang kanyang pangalan. Cindy… Cindy ang kanyang pangalan. Siguro matalik siyang kaibigan ng katawan na ito dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag kausap ko siya. Pakiramdam ko ay maari kong sabihin sa kanya ang lahat at nararamdaman kong mapagkatiwalaan ko siya. Ngayon ko lang iyon naramdaman at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin n’on. Sa ilang daang taon kong pananatili sa mundong ito ay ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagkalapit sa taong mahal ko. Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanyang ID. Tinitigan ko pa ang mukha niya doon saka muling bumaling sa kanyang atensyon. Ngayon ay nakaramdam ako ng gaan ng loob kahit papaano. “Hindi ka na nasanay. Alam mo naman si Miss Yoon. Kusa na lang nagbibigay ng exam ‘yon nang walang pahintulot. Sa bagay, perfect nga ka kahapon kaya wala nang prolema iyon sa ‘yo. Kapag nag exam tayo, share mo muli sa akin ang answer mo ha?” ngiting sambit niya saka ako tinapik sa aking balikat gamit ang dala niyang libro. Napangiti na lang rin ako. Hindi ko alam ngunit tuluyan ko nang naramdaman ang pagkalapit sa kanya. Hindi lang ang katawan na mayroon ako ngayon kung hindi ang sarili ko. Tuluyan ko nang naramdaman ang gaan ng loob at hindi naman siguro iyon masama. Sabay kaming bumalik sa aming silid. Sa puntong ito ay parehong imahe ang nadatnan ko nang pumasok kami sa silid- - - ang mga kaklase kong panay ang pagbabasa sa librong kanilang hawak. Kapansin-pansin ang seryoso nitong dating. Napabaling na rin ako ng tingin kay Cindy at tulad ng inaasahan ko ay nakabuklat na rin ang librong hawak niya at doon na nakatuon ang kanyang atensyon. Napabuntong hininga na lang ako lalo pa at kapansin-pansin ang seryoso nitong atensyon na nakatuon lamang sa librong hawak niya. Kasabay ng pagbuntonghininga ko ay kaagad kong kinuha ang librong hawak-hawak niya saka iyon mabilis na tiniklop at inilagay sa ilalim ng desk. Pansin ko ang gulat mula sa kanyang mga mata kaya mabilis na lumapad ang aking ngiti at pinakita sa kaya ang gaan ng aking nararadaman.. “Hindi mo na kailangang magbaasa. Ako ang bahala. Sagot ko ang papel mo, okay? Hindi mo na kailangang maghirap mula ngayon,” ngiting sambit ko saka ko siya kinindatan. Hindi nagbago ang kanyang reaksyon sa halip ay mabilis na lang niyang hinipo ang aking noo na animo’y may dinamdam siya doon. “Wala ka namang sakit. Ang laki na nang pinagbago mo, Chantal, ah! Sa isang iglap ay bigla kang tumalino. Ano ba anng ginawa mo? May ininom ka bang gamot o ano?” seryosong wika niya. Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niyang iyon sa halip ay mabilis na lamang akong napangiti dahil sa sinabi niyang iyon. Sobrang gaan ng loob ko habang kasama si Cindy. Sa ilang daang taon kong pananatili sa mundo ng mga tao ay ngayon lamang ako nagkakaroon ng rason upang mabuhay sa mundong ito. Buong akala ko ay pareho lamang ang lahat ng tao- - - hindi mapagkatitiwalaaan ngunit kakaiba si Cindy. Katulad ng sinabi ko sa kaibigan ko ay wala na siyang p-problemahin pa. Bawat tanong na sinabi ni Miss Yoon ay walang kahirap-hirap ko lang iyong sinagutan habang si Cindy naman ay panay ang pagtingin sa aking papel. Simula ngayon ay hinding-hindi na siya maghihira pa. Ano pa ang silbi ng aking kapangyarihan kung hindi ko naman iyon gagamitin? Wala namang masama sa pinaggagamitan ko kaya alam kong okay lang iyon. “Salamat, ah. Hindi ko talaga lubos maisip ang biglaang pagbabago mo, Chantal. Pero kailangan kong masanay. Mabuti at nagkaroon ako ng kaibigang kasing talino mo,” masiglang tugon nito sa akin. Mabilis kong pinakita sa kanya ang malapad kong pagngiti. “Wala ‘yon. Saka kunting pagsisipag lang. Sino ba naman ang magtutulungan kung hindi tayo lang. Hindi ba? Tayo-tayo lang naman kaya sabay tayong makakapasa sa kurso natin nang hindi naghihirap.” Ngiting wika ko. “Oo siya, kailangan ko nang umalis. Maiwan n akita.” Mabilis na pagsambit niya saka hindi na niya hinintay pa ang magiging sasabihin ko at mabilis rin niya akong iniwan. Hindi ko na rin siya pinigilan pa. Nais ko pa sanang alamin ang kanyang pamumuhay. Nais kong makilala mismo ang kaibigan kong iyon lalo pa ngayong nagsimula na ring maging malapit ang loob ko sa kanya. Nais kong malaman ang uri ng pamumuhay niya at kung bakit palagi na lamang siyang nagmamadali tuwing uwian. Pero nauna na siyang umalis kaya hinayaan ko na lamang muna siya. Tulad ng inaasahan ko ay ang matahimik na hallway na naman ang bumungad sa akin. Hindi na ako naghintay pa ng ilang segundo at kaagad ko na ring tinahan ang hallway pababa nitong building. Napatingin akong muli sa aking relos at ngayon ay pansin ko na ang oras. Alas singko na pala ng hapon. Hindi hamak na malamig na ang simoy na hangin. Nag-aagaw na rin sa kalangitan ang kulay itim at liwanag na alam kong ilang minuto na lang ay tuluyan nang magdidilim. Nagpatuloy ako sa paghakbang. Napahinto ako sa paghakbang nang biglang mahagilap ng aking tainga ang kakaibang tunog. Alam kong may nangyayari na naman sa sulok nitong paaralan. Nais ko mang magpapatuloy sa paghakbang ngunit alam kong hinding-hindi ako matatahimik hanggang sa makita ko kung ano ang dahilan ng tunog na iyon. Mahina ang boses na iyon kaya alam kong may kalayuan rin kung saan galing ang boses na iyon. Dahan-dahan kong tinatak ang madilim na hallway. Sa puntong ito ay unti-unti na ring naging malapit sa akin ang tunog na iyon. Ang tunog na animo’y bumabalot sa isang sulok. Tunog ng pagsapak iyon na alam kong may tao na namang ginugulpi. Ilang hakbang pa ang aking natahak nang tuluyan ko nang narating ang isang medyo madilim na sulok. Tanging ang nag-iisang ilaw mula sa kisame lamang ang nagsisilbing liwanag sa silid na ito. nasa lima o anim na lalaking estudyante ang narito at kaagad rin silang napahinto sa kanilang ginagawa nang mamataan ang aking atensyon. Hawak nila ang isang pamilyar na lalaki ngayon. Hindi pa iyon naiilawan kaya hindi ko maayos na matingnan ang kanyang mukha. Nang tuluyan na nila itong bitawan ay kaagad ring nahagilap ng aking mga mata ang kanyang presensya. Ang mukha nitong bugbog sarado na. kapansin-pansin ang damit niyang punit na punit. Hindi ko alam kung bakit siya nandito at kung ano na naman ang kalokohang pinasok niya. Hindi ko rin alam kung maging malungkot ba ako o matawa sa aking nadatnan. Nakapikit lamang si Mikael ngayon na alam kong wala nang sapat na lakas para lumaban sa limang lalaki na ito. “Kapag sinuswerte nga naman o,” wika ng isang lalaki na ngayon ay akmang hahakbang n asana paparating sa akin nang magsalita si Kael. “Huwag na huwag niyo siyang galawin.” Wika nito. kapansin-pansin mula sa kanyang boses ang panghihina ngunit hindi nila ito pinansin sa halip ay nagpatuloy na lamang sila sa paghakbang. “Hindi niyo na ako kailangang isali sa gulong ito. Ipagpatuloy niyo na lamang ang inyong ginagawa. Walang makakaalam nito- - - hindi ba at iyon naman ang inyong gusto?” ngiting sambit ko. Hindi ko alam kung tama ba itong naging pasya ko. Sa kayabangang taglay niya ay parang tama lang sa kanya ang magulpi. Ang mayabang na tulad ng Mikael na ito ay nararapat na bigyan ng leksyon. “Narinig niyo ‘yon mga pare? Itutuloy raw natin ang ginagawa natin.” Masiglang wika ng isang lalaki sa aking harapan habang nakatingin ito sa kanyang mga kasamahan. Ilang segundo pa at kaagad rin itong bumaling muli sa akin. “Ano ba ang pangalan mo, Miss? Nais mo bang sumali sa grupo namin?” tanong niya. Hindi ko na lang sila pinansin. Tumalikod ako at akmang hahakbang n asana pabalik sa dinadaanan ko kanina nang mapahinto akong muli lalo pa nang marinig ko ang boses ni Kael na alam kong dahil sa muling pagsuntok ng mga lalaking ito. Haayst! Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito! Napapikit ako. Hindi ko alam kung tama bai tong magiging desisyon ko ngunit gamit ang aking angking bilis ay kaagad kong sinugod ang mga lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD