Jheimwel Rain BIGLA siyang napahinto sa paglalakad nang mapansin niya rin ako sa daraanan niya. Nagsalubong ang aming mga mata na parehong naglalagablab sa galit. "Umalis ka d'yan kung ayaw mong masaktan," matigas niyang utos sa akin. Napatiim-bagang ako at hindi sinunod ang kagustuhan niya. Inipon ko ang lahat ng buhok ko at ginapos sa panaling palaging nasa braso ko bago ko ito ipinasok sa loob ng suot kong jacket. "Ang akala mo ba aatrasan kita? Sa tingin mo ba natatakot ako sa iyo? Kayo ang may malaking atraso sa akin. Pinatay niyo ang tatay ko," matigas ko ring sagot sa kanya kasabay nang mahigpit kong pagkuyom sa mga kamao ko. Pagak naman siyang natawa kasabay nang pagdura niya sa lupa. "P'wede ba? Huwag ka nang magkunwari pa. Hindi ka pa ba masaya? Sigurado naman akong tuwang