Jheimwel Rain At dahil wala kaming masakyan na helicopter at matatagalan pa raw kung magpapadala pa si lolo Dexter sa ilan pa sa mga tao nila ay sumakay na lamang kami sa isang itim na kotse dito sa labas ng condo building. Isa naman sa mga tao niya ang nagmaneho nito. Naituro ko na sa kanila ang address na ibinigay ni Annah Mhae kay Darren, sa 56 street Gen. Kalentong Mandaluyong. Hindi ko naman alam kung saan iyon pero ang sabi ni lolo Dexter ay nasa twenty minutes lang daw ang ibibiyahe at makakarating na raw kaagad kami sa lugar na iyon. May mga kinokontak sila sa phone nila na hindi ko naman alam kung sino-sino. "Tumawag na rin kaya tayo ng Pulis," mungkahi ko naman sa kanila. Sigurado akong mas malaki ang maitutulong nila lalo na't may presong nakawala sa kulungan nila. "Don