Jheimwel Rain "Ready ka na rin ba na magpakasal sa akin?" Umupo siya sa dulo ng kama at ako naman ay dinala niya sa kandungan niya. Napatitig ako sa kanya sa tanong niyang 'yon. "S-Seryoso ka? Gusto mo talaga akong pakasalan?" "Why not?" Natahimik ako at hindi kaagad nakasagot. Kapag nagpakasal kami, anong mangyayari? Makikilala ko na ng tuluyan ang buong angkan niya. Mahaharap na niya ako sa maraming tao. Naiisip ko pa lang, parang hindi ko pa yata kaya. "Baby, natahimik ka na. Ayaw mo ba?" Muli akong napatitig sa kanya. May nabanaag akong pag-aalala sa mga mata niya habang nakatitig din sa akin. "H-Hindi pa naman sa ngayon, 'di ba? Wala pang isang taon si tatay." "Oh, yeah. Muntik ko nang makalimutan." Napatapik siyang bigla sa noo niya na siyang ikinangiti ko. "Sa susunod