Jheimwel Rain "Darren, doon na lang ako pupunta. Doon sa may mga Santo. Ipagdadasal ko rin si tatay." Itinuro ko kay Darren ang isang silid sa kaliwang bahagi na malapit sa pinto ng simbahan kung saan mayroong mga Santo at naroroon din si Papa Jesus. Hindi kami dumaan sa malaking pinto ng simbahan dahil masyado ng maraming tao doon ngayon. Bagkus ay dito lang sa isang pinto sa gilid ng simbahan na walang gaanong nagagawing mga tao. Natanaw ko ang isang silid na may mga Santo at doon na lang ako pupunta para ipagdasal na rin si tatay. Nagsuot pa rin ako ng face mask at sunglasses. "Sure ka? Huwag kang aalis dito. Dito rin kita babalikan mamaya." "Oo, hihintayin kita dito." "A'right." Hinagkan niya ako sa noo bago siya nagtuloy-tuloy na sa paglakad sa hallway at sa malapit na pinto ay