Jheimwel Rain "Darren, ayoko talagang sumama. Hindi pa ako ready." Gusto ko nang maiyak sa harapan ni Darren dahil sa pamimilit niya sa akin na sumama sa kasal nila ate Sam at kuya Dylan. Siguradong maraming tao doon at hindi ko pa kayang humarap sa kanila. Kasal ng mga mayayamang tao iyon. May mga matataas na pinag-aralan at mga matataas na tao ang siguradong mga bisita nila doon n ngayon. Paano ako haharap sa kanila? Siguradong magiging agaw-pansin lang din kami doon, lalo na ako dahil sa hitsura ko. Imbes na nakatutok lang ang buong atensiyon nila sa mga ikakasal. Baka maging tampulan lang din ng tukso doon si Darren. Hindi naman maaaring magtakip pa rin ako ng mukha ko doon. Namimis ko na rin naman si ate Sam pero hindi ko pa talaga kayang lumabas sa maraming tao sa ngayon. "O