EIGHT YEARS LATER Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga larawan namin noong ikasal kami ni Darren, sa isang makapal na album. Kay bilis ng panahon. Parang kailan lang nang mangyari ang lahat. Pero ngayon ay napupuno na ng kaguluhan at ingay mula sa limang tsikiting ang malaking bahay namin na ito ni Darren o mansion na nga bang matatawag ito dahil sa sobrang laki na umabot hanggang tatlong palapag ang taas at lawak na noong una ay nagkaligaw-ligaw pa ako. Hindi ko kaagad matukoy kung saan ko matatagpuan ang kusina at ang iba pang silid ng bahay na ito. Dalawa ang kusina namin, mayroon dito sa loob at mayroon din sa labas. Napakalawak ng sala, bukod ang tanggapan ng mga bisita. May malawak na playroom sa kaliwang bahagi para sa mga anak namin at ngayon ay kasal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books