ONE YEAR LATER Nakangiti kong inilapag ang mga bulaklak sa mga puntod nila nanay at tatay bago ko sila pinagmasdan. Isang taon na ang nakalilipas simula nang maganap ang ikalawa sa mga karimarimarim na trahedya sa buhay ng pamilya namin. Una, sa pagkawala ni nanay at sumunod naman ay si tatay. "Sana ay tapos na, nanay, tatay. Sana po ay huli na 'yon. Huwag naman na sanang maulit pa sa buhay namin ni Darren at ng magiging mga anak namin, ng mga apo niyo ang mga nangyari sa atin." Napayuko ako at napahaplos sa tiyan kong ngayon ay malaki na. Limang buwan na ang baby namin sa sinapupunan ko at sa susunod na araw ay magpapakasal akong buntis sa tatay niya. Napalingon ako kay Darren nang bumalot bigla ang mga braso niya sa akin habang nakatunghay din siya sa puntod ng mga magulang ko. "T