Jheimwel Rain Buong oras akong tulala habang nasa biyahe kami. Patuloy sa pagmamaneho si Darren samantalang ako ay buong oras nakahawak sa labi ko at hindi ko pa rin mapigilan ang kilig ko hanggang sa mga sandaling ito. Nakikita ko sa salamin ang kalahati ng mukha kong namumula pa rin ng sobra. Habang ang kaliwa ko namang kamay ay nakasalikop sa mga daliri ni Darren at nakapatong naman sa kandungan ko. "Anong gusto mong kainin?" Napalingon ako sa kanya sa tanong niya 'yon ngunit kaagad ding nagbawi nang lingunin niya rin ako at kindatan habang may napakatamis siyang ngiti sa mga labi niya. Mas lalo pa yatang namula ang pisngi ko ngayon. Kainis! Gusto ko tuloy siyang hampasin sa ginagawa niyang ito sa akin. "B-Busog na yata ako." Nagkandautal ako at hindi ko mapigilang kagatin ang