Jheimwel Rain Halos ayokong maghilamos at mag-toothbrush ng bibig ko para lamang hindi mawala ang bakas ng mga labi ni Darren sa mga labi ko. Pero nang maalala kong kagigising ko lang pala at nangangamoy pa ang bibig ko mula sa pagtulog ko sa magdamag ay halos sampal-sampalin ko na ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. Nakakahiya talaga! Bakit ko ba naisip ang halik na 'yon at paano ko 'yon nasabi sa kanya?! Inis na inis pa nga ako sa kanya noon dahil sa pagiging fuckboy niya pero ngayon, ako pa 'yong humingi sa kanya no'ng halik na 'yon. Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Eh, 'di tuwang-tuwa pa ang lalaking 'yon dahil nakaisa na siya sa akin ngayon. Halos sabunutan ko ang sarili ko sa mga kagagahang pinaggagagawa ko. Pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niyang paghalik sa akin