Jheimwel Rain SUMUNOD na araw ay mas maagang umuwi ng bahay si Darren. Inabutan pa niya si teacher Wilma kaya't kinabahan ako. Ang buong akala ko ay sasabihin niya kay teacher 'yong tungkol sa panonood ko kahapon ng scandal kaya maaga siyang umuwi. Buong oras ko siyang pinanlalakihan ng mga mata ko habang siya ay palaging nakangisi sa akin. Ang sarap niya lang batuhin ng sapatos niya. Nakakainis. MATAPOS ang aming hapunan ay kaagad na rin kaming umakyat sa silid niya. Bihira kaming tumambay sa sala pagsapit ng gabi. Mas nagkukulong kami sa kuwarto dahil may t.v din naman siya doon. "Ano 'yan?" Nagtataka akong napatitig sa dalawang bote na inilabas niya mula sa loob ng attache case niya. Inagaw ko kaagad ang mga ito mula sa kanya at binasa ang bawat isa. "Real Feel, pleasure gel, a