Jheimwel Rain Ang mga sumunod na araw ay hindi na muna kami lumabas ni Darren. Itinutok ko na ang sarili ko sa pag-aaral. Nakakuha na rin siya ng teacher na magtuturo sa akin. Si teacher Wilma na nasa edad forty na. Ako ang nagsabi sa kanya na ang kunin niyang teacher ko ay 'yong may edad na at mabait. Dahil hindi yata ako makakampante kapag kasing-edad ko lang ang kukunin niya. Baka hindi rin ako no'n matutukan sa pagtuturo at sa kanya na lamang ito tumitig maghapon. Nag-umpisa muna kami sa mga madadaling pag-aralan hanggang sa lumilipas ang mga linggo ay pahirap na ito nang pahirap. Pero madali ko lang din naman itong natututunan. Si Darren ay bumalik na rin sa trabaho niya at palagi na lamang tumatawag sa akin para kumustahin ako dito sa bahay. Maaga din naman siyang umuuwi at palag