Chapter 10: Jessica

2061 Words
Pinihit ko ang doorknob ng pintuan ni Ma'am Megan, pagkatapos kong kumatok dahil wala naman sumagot sa akin, so malamang tulog pa rin s'ya simula ng iwan ko kanina para magluto ng almusal. Dito kasi ako ulit nakatulog kagabi dahil gaya ng palaging nangyayari t'wing hating gabi magigising na lang ako dahil sa malakas na mga sigaw niya. Naupo ako sa kama sa tabi niya at bahagyang tinapik ang kan'yang balikat para gisingin siya. Bahagya s'yang umungol pero hindi naman nagmulat ng kan'yang mata. Muli ko s'yang tinapik ng mahina sa balikat. "Ma'am, nakahain na po ako." "Sige. Mamaya na lang ako kakain," mahinang tugon niya bago nagtalukbong ng kumot. Hay! Mukhang antok na antok pa talaga s'ya. Kung hindi lang ako aalis ngayon para umuwi kay Tita, dahil day off ko, hindi ko muna s'ya gigising tutal wala rin naman s'yang pasok sa kompanya n'ya. "Lalamig po ang pagkain," sabi ko, "At saka aalis po ako ngayon, 'di ba?" Sukat sa sinabi ko ay nag-alis s'ya nang talukbong ng kumot at namumungay ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan hindi humanga sa mga mata niya na kulay asul, para tuloy gusto rin bumili ng contact lens na kulay ganun. "Saan ka naman pupunta?" tanong niya. Mukhang nakalimutan n'ya yata na linggo ngayon at day off ko. "Sa bahay po namin. Day off ko po ngayon Ma'am," sagot ko habang nakangiti sa kan'ya. Tumango lang s'ya sa akin bilang sagot bago nag-inat at bumangon. Pumunta s'ya sa banyo para sa morning ritual siguro niya habang ako naman ay naiwan mag-isa. Tumayo ako at sinimulang ayusin ang kama niya bago muling naupo roon para hintayin siya. Paglabas niya ng banyo ay nakakunot ang noo s'yang nakatingin sa akin dahil siguro hindi n'ya inisip na nandoon pa rin ako sa k'warto niya. "Hinintay po kita Ma'am, para sure na pupunta na kayo sa kusina para kumain," nakangiti na sabi ko kahit hindi naman s'ya nagtatanong. "Baka po kasi humiga ulit kayo." Kita ko ang ginawa n'yang pagpapaikot ng kan'yang mga mata dahil sa sinabi ko pero hindi naman nagsalita. Agad akong tumayo nang lampasan niya ako at binuksan ang pintuan ng k'warto. Pagdating sa dining area ay agad s'yang naupo. Inalis ko ang food cover sa mga niluto ko bago ako kumuha ng kape sa coffee maker at inilagay iyon sa tabi ng plato niya. Susubo na sana s'ya ng pagkain nang mapatingin s'ya sa gawi ko na nakatingin sa kan'ya. "Kumain ka na ba?" tanong niya. Hindi n'ya naituloy ang isusubo sana niya. Nagulat ako sa tanong niya, first time n'ya kasi akong tanungin kung kumain na ba ako. Akala ko kanina nang makita n'ya akong nakatingin sa kan'ya ay masesermunan na naman ako maaga pero hindi pala. "Kelan ka pa nabingi?" tanong niya na pumukaw sa aking pagkatulala, "Kumain ka na ba?" Umiling ako habang nakangiti ng bahagya. "Hindi pa po." "Maupo ka na rito at sumabay ka na sa aking kumain bago ka umuwi sa inyo," sabi niya bago sumubo na ng pagkain. "Sasabay na po ako sa in'yo?" hindi makapaniwalang ulit ko. "Oo nga. Kailangan ulitin?" sabi niya. Agad naman akong kumuha ng aking plato at kurbyertos at naupo sa katapat niyang upuan. Naglagay ako ng pagkain sa plato ko at nagsimulang kumain habang maya't-mayang napapangiti. Masaya ako dahil isinabay n'ya akong kumain ngayon kahit nandito kami sa unit n'ya. "Para kang ewan. Kanina ka pang ngiti nang ngiti d'yan," seryoso na sabi niya. "Natutuwa lang po ako kasi inaya n'yo na akong sumabay sa in'yo," sagot ko na malawak pa rin ang pagkakangiti sa kan'ya. "Bumabait na kayo sa akin." Inirapan n'ya ako sa sinabi ko pero hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang maliit na ngiti niya sa labi na pinipigilan niya. Wala ng namagitan na usapan sa pagitan namin pagkatapos niyon hanggang sa matapos na kaming kumain. Tumayo na s'ya at umalis ng kusina na walang iniwang salita pero kahit ganun hindi iyon nakabawas sa sayang nararamdaman ko sa maliit na pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Tumayo na rin ako at nagsimulang magligpit ng pinagkainan naming dalawa. Hinugasan ko ang lahat ng mga iyon kasama na ang mga ginamit ko sa pagluluto kanina. Pagkatapos ko sa kusina ay pumunta na ako ng k'warto ko para maligo at maghanda na para sa pag-uwi ko sa bahay ng Tita ko. Dala ang isang backpack ay kumatok ako sa k'warto ni Ma'am Megan, para magpaalam pero walang sumagot sa akin kaya pinihit ko ang seradura ng pintuan n'ya para buksan. Walang tao sa loob at wala rin naman akong naririnig na lagaslas ng tubig mula sa loob ng kan'yang banyo kaya lumabas na ako. Nakita ko si Ma'am, na nakaupo sa sala at nanunuod ng TV. Tumighim ako para kunin ang pansin niya na agad ko naman nakuha dahil lumingon s'ya agad sa akin. "Aalis na po ako Ma'am," paalam ko nang med'yo lumapit ako sa p'westo niya. May kinuha s'yang sobre sa ibabaw ng center table at inabot iyon sa akin. "Ano po 'to?" tanong ko bago abutin ang ibinibigay niya. "Weekly allowance mo," plain na sagot niya. Tumango ako. "Salamat po." "Sige," sagot niya at muling ibinalik ang pansin sa TV. Huminga ako ng malalim dahil biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Parang bigla kasi akong nalungkot ngayong aalis ako at iiwan s'yang mag-isa dito sa unit niya. "Mag-iingat po kayo rito, Ma'am." sabi ko. Sumulyap s'ya sa akin at tumango. "Bukas na po ng umaga ang balik ko." Isang tango lang ulit ang isinagot niya sa akin bago muling ibinalik ang pansin sa pinapanuod. Mabigat ang loob na nag-umpisa na akong humakbang para umalis. Palabas na sana ako ng pintuan ng bahay nang muli akong lumingon sa kan'ya na tutok na tutok sa pinapanuod. Meron sa akin na gustong bumalik sa harapan niya at ayain s'yang sumama sa akin sa pauwi. Napangiti ako ng mapakla. As if naman kasing sasama s'ya sa akin umuwi sa bahay ni Tita, kapag inaya ko s'ya. Lumabas na ako ng bahay at hindi na nag-abalang lumingon ulit kahit na gustong-gusto ko ulit s'yang tingnan. Paglabas ko ng condo building na iyon ay nagpunta ako sa sakayan ng jeep papunta sa isang super market. Balak ko kasing ipag-grocery si Tita, para naman makatipid s'ya kahit papaano. Pagdating sa supermarket ay namili ako ng lahat ng sa tingin ko na kailangan ni Tita, like hygiene, can goods at iba pa. Ayos lang naman na madami akong bilihin dahil may pambayad naman ako. Aba, malaki rin ang allowance na ibinigay ni Ma'am sa akin, five thousand pesos iyon na tumataginting. Pagkatapos bilihin ang lahat ng kailangan ko ay sumakay na ako sa taxi at nagpahatid sa address namin. Nag-taxi na ako dahil ang dami kong dala at mahirap makipagsiksikan sa ibang pasahero kung sa jeep ako sasakay. Pagdating sa harap ng bahay namin ay agad kong natanaw si Tita, na nakaupo at malayo ang tanaw sa tabi ng punong mangga. "Ang aga naman mag-senti ng tiyahin kong 'to," bulong ko. Binuksan ko ang gate namin at pumasok sa loob ng bakuran bitbit ang mga pinamili ko para sa kan'ya. "Tita!" sigaw ko dahil kahit umigik na ang gate namin ay hindi pa rin s'ya natinag sa tinitinganan niya sa malayo. Ngali-ngali ko ng pumadyak dahil hindi pa rin niya nadinig ang sigaw ko kaya lumapit na ako sa kan'ya ng dahan-dahan dahil gusto kong malaman kung ano ba ang tinitinganan niya at parang masyado naman s'yang hook at wala ng pakialam sa paligid niya. Napasimangot ako dahil sa nakita ko. "Naku naman Tita, ang aga n'yo namang mamboso, at sa kan'ya pa talaga." "Letche! Papatayin mo naman ako sa gulat!" sabi niya sa akin bago muling tumingin sa titiningnan niya kanina na walang iba kun'di ang kapit-bahay namin ma nagwawalis ng bakuran na walang suot na bra tapos ang baba pa ng neckline ng suot na blusa kaya naman lantad na lantad sa tyahin kong ito ang kan'yang naglalakihang dibdib. "Hindi kayo mamatay sa gulat Tita, mamatay kayo sa taga ng asawa niyang binobosohan mo," sabi ko habang napapailing. Napakaseloso kasi ng asawa ng kapit-bahay namin na iyon kaya naman halos araw-araw yata silang nagsisigawang mag-asawa. Sabagay hindi ko naman masisisi ang asawa ng babae na 'to dahil napaka naman kasing manamit palagi tapos ang hilig pang makipag-usap sa mga lalaki kahit walang suot na bra at bakat ang u***g. "Patayin agad? Hindi ko naman hinawakan ang dibdib ng asawa n'ya para kantiin niya ako," katwiran pa niya. Naglalakad na kami papasok sa loob ng bahay namin. "Kahit na po, parang hindi mo naman kilala si Lando," sabi ko. Ibinaba ko sa ibabaw ng lamesa sa kusina ang mga pinamili ko. "Oo na. Sige na, hindi ko na titingnan sa susunod," sabi niya na nakasimangot dahil pinagsasabihin ko s'ya. "Ang dami mo naman pinamili beh, sumahod ka na ba?" "Hindi pa po Tita, weekly allowance ko lang po iyan," sagot ko habang isa-isang inilalabas sa plastic ang mga pinamili ko. "Magkano?" tanong niya. "Limang libo Tita," ngiting-ngiti na sagot ko. "Wow naman! Bigatin talaga iyang boss mo beh, sana all ganyang kagalante!" sabi niya kaya nagkatawanan kami. Tinulungan niya akong isalansan sa cabinet at refrigerator ang mga pinamili ko. "Kumain ka na ba ng almusal?" tanong niya. "Opo Tita," sagot ko, "Kayo po ba?" "Oo tapos na din ako," sagot niya. Nagpunta kami ng sala bitbit ang isang pitchel ng juice at dalawang baso. Naupo kami na magkaharap sa sofa para magkakwentuhan ng konti. "Kamusta naman po kayo, Tita rito?" tanong ko. "Ayos naman ako, medyo nanibago lang dahil wala akong nadadatnan na tao rito sa bahay natin," sagot niya, "Ikaw ba, kamusta naman ang trabaho mo?" "Ayos naman din po Tita. Madali naman po ang trabaho kung tutuusin," sagot ko bago ako uminom ng juice na hawak ko. "Eh, ang boss mo? Ayos naman ba ang trato n'ya sa'yo?" tanong niya. "Noong una Tita, hindi dahil palagi s'yang galit. Noong pangalawang araw ko nga dapat aalis na ako sa sobrang sama ng loob ko pero bumawi naman s'ya agad kaya heto willing akong ipagpatuloy ang trabaho ko sa kan'ya," sagot ko. Uminom si Tita ng juice habang nakatingin sa akin. "Sure ka? Huwag mong pilitin kung sobra ng hindi maganda ang trato sa'yo. P'wede kang bumalik sa poder ko kahit anong oras, kaya pa naman kitang pakainin araw-araw." Natawa naman ako at the same time na overwhelmed. Mahal na mahal n'ya talaga ako. "Don't worry po Tita. Iba naman na po s'ya kumpara noong mga unang araw. Kayang-kaya ko na pong sakyan ang sumpong niya at alam mo ba po Tita, tingin ko meron s'yang mabigat na dinadala kaya ganun ang behavior niya sa iba," mahabang sagot ko. Bigla ko tuloy naalala kung paano s'ya tuwing nananaginip at nagsisigaw at kung minsan ay umiiyak. Tapos kapag ginising ko s'ya nandoon ang relief kahit paano sa mukha n'ya pero nandoon pa rin ang ibat-ibang emosyon na hindi ko alam kung saan nagmumula. "Ano naman ang pagdadaaanan ng isang anak mayaman na kagaya niya?" tanong niya. Nagkibit balikat ako dahil iyon din ang gustong-gusto kong malaman. Naaawa na rin kasi ako sa kan'ya kapag nakikita s'yang halos takot na takot habang nananaginip. "Iyon din po ang gusto kong alamin, Tita. Gusto ko s'yang tulungan kung ano man iyong pinagdaraanan niya," sagot ko. Hindi nagkomento si Tita, sa sinabi ko. Nakatingin lang s'ya sa akin na parang binabasa kung ano ang iniisip ko. "Dito ka ba matutulog mamayang gabi?" tanong niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. "Opo Tita. Bakit po? May dadating bang chix n'yo mamaya?" pagbibiro ko pero agad akong natigilan dahil naisip ko si Ma'am Megan. Wala s'yang kasama mamayang gabi. Paano kapag bigla na naman s'yang managinip at mahirapan magising? "Oh? Bakit bigla kang natahimik d'yan?" pansin ni Tita, na hindi na pinansin ang biro ko sa kan'ya. "Po? Wala po, may bigla lang akong naisip," sagot ko. Tumango si Tita. "S'ya sige na, pumunta ka na muna sa k'warto mo at magpahinga. Ako na ang magluluto ng lunch natin mamaya," sabi ni Tita bago tumayo bitbit ang pitchel at baso papunta sa kusina. Naiwan akong nag-iisip kung matutulog ba ako rito o uuwi sa unit ni Ma'am Megan, para samahan s'ya. Ginulo ko ang buhok ko sa pagka-frustrate. "Ugh! Saan ba ako matutulog kasi?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD