“Next time, huwag kang iinom nang hindi ako kasama, ha Ysa? Bakit hindi mo sinabi kanina na may lakad kayo ng mga kaibigan mo?” dinig kong panenermon sa akin ni Zyrus, habang nakapikit ako. Pinilit kong dumilat at saka lumingon sa kanya. “Bakit hindi mo rin sinabi na hindi mo ako susunduin sa AMCO?” “Tsk! Hindi ko alam na matatagalan ako roon sa Cavite branch,” mababa na ang tono na sabi nito. “Eh di huwag mo akong sisihin. Ang hirap sa iyo, lagi na lang ako ang sinisisi mo. Parang ako na lang lagi ang may mali,” reklamo ko sa kanya. Huminga lang ito ng malalim, at saka nagsalita. “Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag malapit na sa inyo.” “Ayan. Ganyan ka, eh. Lagi kang tumatakas. Kapag nasusukol kita, lagi mo na la