“Bakit kasi hindi ka pa mag-aral mag-drive at bumili ng sarili mong sasakyan?” Ngumuso muna ako bago tumingin kay Zyrus na nagda-drive ngayon. Hindi ba niya alam na ayaw ko talagang mag-aral mag-drive at magkaroon ng sariling sasakyan? Eh, di hindi na niya ako isasabay sa pagpasok at pag-uwi! “Iyong sa totoo, Zyrus? Ayaw mo ba akong isabay dito sa kotse mo sa pagpasok sa office? Eto na nga, nag-hands on na ako sa AMCO, kasi sabi mo bakit nag-aral pa ako tapos tatambay lang ako sa bahay. Na sumasahod ako sa AMCO, pero wala naman akong ambag,” reklamo ko sa kanya. “And I have a point, right? Wala namang ibang magte-take over sa AMCO kung hindi kayong dalawa ni Yoseph, so why not explore the company? And besides, baka may innovations ka pang maiambag sa kump