Imbes na masaya ako habang tinitingnan ko ang mga pictures namin na kuha kanina after ng graduation ceremony namin, ay lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba. Para kasing hindi buo ang kasiyahan ko. Parang may kulang. Dahil ba sa wala si Zyrus? Kahit sa last minute kanina ay umasa akong magpapakita si Zyrus sa graduation namin. Nagbabakasakaling bigla na lang siyang darating. Ano ba naman sa kanya yung biglaang pagbu-book ng flight? Siya na nga may sabi – para ano pa at isa siyang Samaniego? Bahagya akong napangiti sa kayabangan niyang iyon. Pero totoo naman. Kayang-kayang gawin ni Ninong Chad iyun. Kung gugustuhin lang ni Zyrus. So ibig sabihin, wala talaga siyang balak mag-attend ng graduation. Pero bakit? Ngayon lang nangyari na may espesya