[Zyrus] From: Ysa Zy, sumali ka pala sa basketball team? Hindi mo naman nasabi sa akin. Kay Ninang ko pa nalaman. Parang napahiya pa tuloy ako. Samantalang sa iisang university lang tayo nag- aaral. Right. Pareho kaming nasa University of St. Claire. Nagulat na lang ako nang nakasabay namin ni Patrick si Ysa at Bettina sa New Students’ Orientation. Samantalang iyung dalawang kaibigan niya na si Farrah at Claudette ay nasa St. Tomas College, pati na iyung bading na boyfriend niyang si Lander. Mga bata pa lang kami ay bumkambibig na ni Ysa ang St. Thomas College. Iyon ang dream school niya. Walang ibang eskwelahan siyang gustong pasukan kung hindi iyon lang. Actually, mga bata pa lang kami ay kinumbinsi na niya akong doon din mag-aral. Siyempre, kung saan m