[Zyrus]
From:Ysa Ganda
Zy.
Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita ko ang pangalan ni Ysa sa screen ng phone ko. Nasa sala kami ng pamilya ko dahil kakatapos lang naming mag-hapunan. Tumipa ako ng sagot para kay Ysa.
To:Ysa Ganda
Why? Miss me?
Muli akong nag-focus sa TV. May inaabangan kasi kami sa news program, kung saan kami naka-tune in. May bago kasing project si Tatay na theme-park hotel dito sa Pilipinas. Ginaya niya iyun sa pinagawa niyang theme-park sa California na gift niya kay Nanay nung sunduin niya ito sa Amerika dati. Located ito somewhere sa Tagaytay kaya madaling mapupuntahan. Nag-soft opening na ito last week kaya naka-attract sa mga media.
Napatingin uli ako sa phone ko kasi napansin ko na parang hindi pa nag-reply sa akin si Ysa.
To: Ysa Ganda
Uyyyy.... hindi makasagot... Guilty siya....
Miss nga niya ako
From: Ysa Ganda
Duh! Hindi ‘noh! I will just remind you na
baka makalimutan mo ako daanan bukas.
Remember, sundo at hatid mo pa rin ako.
Hah! Hindi ba alam ni Ysa na napakaliit na bagay lang iyun para sa akin?
To: Ysa Ganda
Ayaw pa kasi amining nami-miss niya ako.
Kahapon lang tayo magkasama, ah. Gusto
mo ba na puntahan kita ngayon? Ok lang.
From: Ysa Ganda
Manahimik ka diyan. Matutulog na ako. First
day ng classes bukas. Agahan mo!
Siyempre naman aagahan ko para mas mahaba ang oras na makasama kita. But wait, gusto ko pa siyang makausap. Bakit matutulog na siya? Ang aga pa kaya!
To: Ysa Ganda
Siguro pinairal mo na naman pagka-maarte mo
kaya hindi na bumalik si Kuya Julius sa inyo.
From: Ysa Ganda
Ang sama mo talaga sa akin, Zyrus! He chose
to spend his time with his family. Twin kasi
iyung anak niya, so mahihirapan wife niya if
mag-isa lang mag-aalaga. So dun na maghaha-
nap ng work si Kuya sa kanila. Sabi ko kay
Daddy huwag na muna maghanap ng kapalit
na driver kasi two weeks na lang naman at ta-
pos na ang school. Saka nandiyan ka naman,
eh.
To: Ysa Ganda
Ah ganun. So, personal driver mo ako hang-
Gang sa matapos ang school year.
Don’t get me wrong. Gustung-gusto ko nga, eh. Actually, naging pabor sa akin ang pag-alis ni Kuya Julius. Naging close na uli kami ni Ysa. Ang haba pa ng time ko to be with her. At plano ko sanang before our Graduation ay magsabi na ako sa kanya na liligawan ko siya. I think it’s time para sabihin ko na sa kanya ang talagang nararamdaman ko.
From: Ysa Ganda
Huy! Sama ka pala sa amin sa Cebu after grad
natin. Kahit ipagpaalam pa kita kay Ninong.
Nanlaki ang mga mata ko. Seriously? Inaaya ako ni Ysa na sumama sa Cebu? Hindi naman ito ang first time na makapunta ako sa bahay s***h resort ni Tita Annika sa Cebu. At hindi ko na rin naman mabilang kung ilang beses na akong nakapunta doon mula nang mga bata pa kami. Pero pumupunta kami roon na pami-pamilya, at usually ay may okasyon. First time na personal akong inaya ni Ysa na sumama sa pamilya nila. Ang saya-saya ko lang!
To: Ysa Ganda
:)
From: Ysa Ganda
What's with the laugh? May nakakatawa
ba sa sinabi ko? Ha, Zyrus?
Sobrang saya ko lang kasi! Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko sa kanya. Kaya puro laughing emoji na lang ang nireply ko. But wait, baka ma-misunderstood ni Ysa iyung reply ko at magalit na naman siya sa akin.
To: Ysa Ganda
Ayaw pa kasi amining nami-miss niya ako. Na-
papansin ko, gusto mo na ngayon na lagi mo na
akong kasama. Baka ma-develop ka na sa akin
niyan.
Pero sa totoo lang, sana nga ma-develop ka na sa akin, Ysa….
From: Ysa Ganda
Bahala ka diyan! Matutulog na ko!
Bahagya akong natawa. Parang nai-imagine ko pa ang itsura ng mukha ngayon ni Ysa.
To: Ysa Ganda
Sweet dreams, Ysa! Dream of me ....
“Son, I can understand kung mas gusto mong umakyat sa room mo, at makipag-text muna kay Ysa.”
Napaangat ang tingin ko at nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Nanay at Tatay.
“Ha? H-Hindi naman po si Ysa ang ka-text ko, Tatay. Si… Si Patrick po ito,” natarantang sagot ko.
Tahimik ko na lang naidasal na sana hindi biglang sumulpot ngayon si Patrick sa labas ng bahay namin. Si Patrick ay bagong kaibigan ko mula nang magkahiwalay kami ng section ni Ysa. Naging magkaklase kami sa section na iyon, at naging kaibigan pagtagal. Kilala itong pilyo sa babae sa school at nagbibilang ng girlfriends. Ewan ko nga ba kung bakit siya ang nakasundo ko samantalang kabaligtaran niya naman ako.
Makahulugan namang nagtinginan ang mga magulang ko na para bang sinasabing hindi sila naniniwala. Magkatabi sila sa sofa at nakayakap pa si Nanay sa kanya, samantalang akbay naman ito ni Tatay.
“Alright. Kung hindi si Ysa ang ka-text mo, fine,” nakangiti pa ring sabi ni Tatay, pero sa screen na ng TV nakatingin.
Nagparaan muna ako ng ilang sandali bago ko sinilip iyung screen ng phone ko. Naramdaman ko kasi kaninang nag-vibrate ito habang kausap ko si Tatay, pero pinigilan ko ang sarili kong tingnan ito at baka tuksuhin na naman nila ako.
From: Ysa Ganda
TSE!
Hindi ko na nireplayan si Ysa pero hindi ko napigilan ang mapangiti habang nakatingin sa screen ng TV.
[Ysa]
“Ysa, birthday mo na bukas! Hindi ako makapaniwalang walang party na magaganap!” exaggerated na sabi ni Claudette.
“Oo nga, dati one month pa lang naka-plano ka na kung anong celebration sa birthday mo, ah,” segunda naman ni Farrah.
Nasa canteen kami ngayon dahil lunch na. Tapos na kaming kumain pero may natitira pa kasing thirty minutes sa break namin kaya tambay muna kami rito.
Ngumiti ako. Hindi kasi pwedeng hindi pag-usapan ang taun-taong birthday celebration ng isang Ysabelle Camila Montenegro dito sa school. Taun-taong may pa-party sa bahay namin, at depende sa theme na naiisip ko.
“Umm… simpleng celebration lang kami bukas. Family lang saka iyung tatlong family friends ni Daddy. Iyun lang. Pero siyempre, punta kayo bukas. Kayo pa ba ang mawawala sa birthday ko?” kaswal na sabi ko.
“Ha? Bakit? Anong nangyari sa laging talk-of-the-school birthday celebration ng nag-iisang prinsesa ng mga Montenegro?” nagtatakang tanong ni Bettina, na may kasama pang pag-kudlit ng mga kamay na parang open-close quotations.
Lumapad ang ngiti ko, bago ako sumagot. “Pinaghahandaan ko kasi ang debut ko next year. Lie low muna ako this year. Tapos sa debut ko, andun lahat ng pasabog!” nakangiti kong sabi.
“Ay, iba ka talaga, Ysa!” komento ni Claudette.
Nakita kong may sasabihin pa sana si Bettina pero naagaw ang atensiyon niya nang may lumapit sa mesa namin.
"Ysa.”
Sabay-sabay kami nila Farrah at Claudette na napalingon sa nagsalita.
“Patrick, right?” Ang alam ko ay kaibigan siya ni Zyrus. “May kailangan ka ba?”
“Ah, iaabot ko lang sa iyo ‘to,” sabi nito, sabay lahad sa akin ng isang katamtamang laking paper bag.
“Pinapabigay ni Zyrus.” Napataas ang isang kilay ko. Bakit naman niya ipapaabot pa kay Patrick ito, eh magkasabay naman kami kaninang pagpasok.
“Nasaan siya?” nagdududa kong tanong.
“Ah, eh naharang kasi kami ni Principal Tomas on the way dito. Nag-uusap pa sila kaya ako na lang ang pinag-abot niya sa iyo. Sabay naman kayo mamayang uwian di ba? Siya na lang tanungin mo kung bakit ngayon lang niya pinabigay,” paliwanag pa ni Patrick.
“O-Okay…” sagot ko, at saka nag-aalangang kinuha iyung inabot niyang paper bag.
Hindi na ako nakapagpasalamat dahil mabilis na itong nakaalis.
“Open it! Open it!” excited na sabi naman nung tatlo.
Agad kong binuksan ang paper bag at saka namilog ang mga mata ko sa nakita kong laman nito.
~CJ016