SUNDO AT HATID

1105 Words
        Mula nung gabing iyun ng Prom ay hindi na kami nag-usap ni Ysa. Ako na ang kusang umiwas. Kapag naman araw ng Sabado at get-together ng mga pamilya namin, pinipilit kong magpaka-kaswal kapag nasa paningin ng mga magulang namin. Kadalasan, niyayaya ko sila Josh, Jett, at Yoseph na maglaro ng mobile game para maging busy ako.         Balita ko ay hindi pa rin sila nagpapansinan ni Lander. Ganunpaman, ayoko namang i-take advantage ang sitwasyon para maging malapit uli ako kay Ysa.         Kadarating lang namin ni Manong Bert sa school nang maispatan ko ang isang pamilyar na kotse sa gawing unahan.         “Kotse ni Sir Klarence iyun, ah,” narinig kong sabi ni Manong Bert.         Nakita rin pala niya iyung sasakyan ni Tito Klarence.         Kahit marunong na akong magmaneho ay hindi pa rin ako pinapayagan ni Tatay na mag-drive at magdala ng sasakyan sa school. At least, kung emergency daw ay may marunong nang magmaneho sa amin sa bahay.         Nakatingin ako ngayon sa sasakyan ni Tito Klarence. Walang duda na siya ang may dala ng kotse dahil siya lang kasi ang pwedeng magmaneho ng specific na kotse nila na iyun. At kung nandito si Tito Klarence ay malamang na si Ysa ang sakay niya ngayon.         Hindi nga ako nagkamali at bumaba na ng kotse si Ysa.         “Oh, si Ysa oh! Sabayan mo na,” sabi sa akin ni Manong Bert.         Nilingon ko ito. “Si Manong Bert talaga.”         “Huuuu! Halata namang noon mo pa crush iyang kababata mong iyan. Ikaw nga lang ang nakakapagtiyaga sa batang iyan, eh,” nangingiting sagot nito.         Napailing na lang ako. Ganun na ba ako ka-transparent pagdating kay Ysa? Halos lahat na yata ng nasa paligid ko ay iyon ang nakikita.         Nang nakita kong medyo nakalayo na sa paglalakad si Ysa ay bumaba na rin ako sa kotse namin. Nilingon ko muna si Manong Bert. “Manong Bert, hintayin kita mamayang uwian.”         “Bakit? Hindi ba kayo magdi-date ni Ysa?” nanunuksong sagot nito.         Napailing na lang ako. “Si Manong Bert talaga…” At saka ko na isinara ang pintuan ng kotse. To: Ysa Bakit si Tito Klarence ang naghatid sa yo?     From: Ysa Gosh! Si Zyrus Samaniego, tinext ako? Anong himala kaya meron today?            Hay naku! Sabi na nga ba, wrong move itong pagte-text ko kay Ysa eh!    To: Ysa Tsk! Ang dami pang sinasabi. Ang simple lang naman ng tanong ko.    From: Ysa Grabe ka, Zy....natuwa lang naman ako kasi you're attentive din pala pagdating sa akin.            Tsk!    To: Ysa Okay. Never mind my question. Bye.    From: Ysa Eto na! Sungit. Wala po si Kuya Julius. Nasa province. Nanganak daw wife niya. Yun. Wala ka pa teacher?    To: Ysa Andito na.    From: Ysa Eh, bakit ka text nang text may teacher pala.    To: Ysa Kasalanan ko ba kung hindi ka marunong sumagot kung ano lang ang tanong? Andami mo kasing sinasabi pa.    To: Ysa Text Tito Klarence. Sa akin ka na sumabay Mamayang uwian.  Pati bukas pagpasok. Saka sa next day.    From: Ysa Oh-kay….              INAMOY ko iyung dinampot kong bote ng pabango. Mabango naman, pero okay kaya kay Ysa ang amoy nito? Ibinaba ko ito at saka dinampot iyung isang bote na katabi nito. Gift nga pala sa akin ni Ysa ito last birthday ko. Nag-decide akong ito na lang ang gamitin, since galing din naman kay Ysa ito. Magreklamo man siya na hindi niya gusto ang amoy, pwede kong ikatwiran sa kanya galing ito.         Nakangiting nag-spray ako sa magkabilang balikat ko at saka sa batok ko at sa leeg ko pa. Idinamay ko na rin ang magkabilang dibdib ko nang mag-vibrate ang phone ko.   From: Ysa Huy, Zy!            May ngiti pa rin sa labi na nag-reply ako.    To: Ysa Yup! Miss me?            From: Ysa Miss ka diyan! Saan ka na? Last day na ng Finals Exam today, Ayokong ma-late!   To: Ysa Chill… hindi tayo male-late. Akong bahala. Ako pa ba?           Nang malaman ni Tatay na sa akin sasabay si Ysa pansamantala sa buong Exam Week dahil wala pa ang driver nila na si Kuya Julius, ay pinayagan niya ako na ako na muna ang mag-drive ng kotse papasok at pauwi. Sa kundisyon na either sa bahay lang nila Ysa o sa bahay namin kami tutuloy pag-uwi. Bawal mag-mall o kahit na saang fast food restaurant.      From: Ysa Anong ikaw ang bahala diyan? Eh kung isumbong kaya kita kay Tito Chad at Daddy na ang bilis mong mag-drive?           Nakangiting napailing ako. Paano mangyayari na mabilis akong mag-drive eh gustung-gusto ko ngang matagal ko pa siyang makasama sa loob ng sasakyan namin?    To: Ysa Hindi mo ako kayang isumbong, Ysa.    From: Ysa Oh, really? What makes you think naman na hindi kita kayang isumbong, ha?    To: Ysa Eh, di hindi mo na makakasabay itong guwapo na ito sa umaga at sa hapon.    From: Ysa Guwapo? Duh! Feeling ka naman! Asan ka na ba kasi? Tara na!   To: Ysa Eto na. Paalis na po. Ten minutes nandiyan na.                                   [Ysa]           “Oh, Ysa. Bakit nandito ka pa? Akala ko ba kasabay mo si Zyrus?”         Napalingon ako kay Daddy, na kasalukuyang nakatuon ang atensiyon sa pagbubutones ng long-sleeves polo niya.         “Papunta na daw siya dito, Daddy.” Mabilis lang akong tiningnan nito at saka muling ibinalik ang atensiyon sa polo niya.         “Sabihan mo ako kapag bigla ka na namang hinalikan ng Samaniego na iyun, ha.”         “Daddy???!” pag-angal ko.         Nung five years old kasi kaming dalawa ni Zyrus ay bigla ako nitong hinalikan sa lips kasi nagandahan daw siya sa akin. Naalala kong galit na galit si Daddy noon nang magsumbong ako sa ginawa ni Zyrus pero tinawanan lang siya ni Tito Chad.         “Daddy, ang tagal-tagal na nun,” sabi ko sa kanya.         “Wala lang. Baka kako nahalikan ka na naman pero nagustuhan mo naman.”         “Daddy?! Hindi ko type si Zyrus, noh!” pagkontra ko sa sinabi niya.         “Well, kung papipiliin ako, mas gusto ko na si Zyrus kaysa sa Lander na iyun!” inis na sagot nito.           “Change topic na lang tayo, Daddy. Please….” sabi ko sa kanya dahil alam kong hindi na naman siya titigil sa pagsasalita ng mga nakikita daw niyang negative traits ni Lander.    From: Zyrus I’m already here outside your house, Your Highness.         Whew! Saved by the bell!   To: Zyrus Your Highness ka diyan! Libre mo ko burger maya pag-uwi, daan tayo sa drive-thru.   From: Zyrus Basta ikaw, Your Highness! Nanginginig pa!           “Eherm! Change topic daw. Pero dumating lang iyung sundo niya nakalimutan na ang Daddy niya sa harapan niya.”         Bigla akong napaangat ng tingin. “Daddy!!!”                ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD