SILENT MODE

1428 Words
From: Ysa  Zy, thank you ha.                               Alas-dose na ng umaga. Naihatid ko na si Ysa sa bahay nila at pauwi na rin ako sa bahay namin. Hindi ko na pinansin ang pagtunog uli ng phone ko dahil alam ko namang si Ysa uli iyon. Pero nang mahinto ako sa isang stoplight ay hindi ko natiis na hindi damputin iyung phone ko.     From: Ysa  Zy? Are you mad?                    Minabuti kong mag-reply na sa text ni Ysa para tumahimik siya.    To: Ysa  No. I’m driving.                   Pero dahil si Ysa ay si Ysa, nag-reply pa rin ito sa akin.     From: Ysa  Sorry..... Text me when you get home.                    Nag-kulay berde na ang ilaw ng stoplight kaya ibinaba ko na ang phone sa katabing upuan.             NANG makarating ako sa bahay ay sinalubong ako agad ni Nanay.                  “Hay… nag-alala ako sa iyong bata ka,” sabi niya sa akin, pagkahalik ko sa pisngi niya.                  “Nanay, maingat naman po akong mag-drive,” nakangiting sagot ko sa kanya.                  “Alam mo naman iyang anak mo, babe… gagawin lahat para kay Ysa.”                  Napalingon ako sa may hagdan. Nakita kong nakagiting naglalakad palapit sa amin si Tatay.  Oo, super yaman kami pero Nanay at Tatay ang tawag ko sa kanila. Nakasanayan ko na kasi. At mahirap nang baguhin. Besides, okay lang naman daw kay Tatay. Ang importante raw ay magka-match ang tawag ko sa kanila ni Nanay.                  Ibang klase rin kasi ang love story nilang dalawa. Hindi sila iyung karaniwang love story na nagkakilala, nagka-inlove-an at nagpakasal. Sa kanila, nauna muna ang s*x, bago nagkakilala, at saka nagpakasal.                  Mahirap lang si Nanay at nang ipanganak niya ako ay wala pa naman si Tatay sa piling namin. Kung hindi pa kami aksidenteng nakita ni Tita Pepper sa opisina ng AMCO ay malamang na hindi na namin nakilala ni Nanay si Tatay kahit kailan.                  “’Tay,” bati ko dito, at saka humalik din sa pisngi nito.                  “Naihatid mo na sa bahay nila iyong future manugang ko?” pagkuwan ay tanong nito.                  “Tatay naman, eh…” sagot ko sa kanya, na ikinatawa nila ni Nanay.                  “Oh, sige na. Umakyat ka na at magpahinga ka na. O baka gusto mong kumain muna?” sabi ni Nanay.         “Hindi na po, Nanay. Hindi naman ako gutom. Akyat na po ako,” sagot ko.                  “Sure ka, anak?” tanong sa akin ni Nanay.                  “Ikaw naman, babe. Paakyatin mo na sa kuwarto niya, at tiyak na magte-text pa silang dalawa niyan ni Ysa,” sabat ni Tatay na may halong panunukso.                  Nakangiting tiningnan ito ni Nanay.                  Seriously? Sinisilip ba ako ni Tatay sa kuwarto ko?                  “Si Tatay talaga. Magpapahinga na po ako, promise. Medyo inaantok na rin ako,” paliwanag ko pa.           “Oh, siya. Sige, eh di magpahinga ka na. Sige na. Akyat!” nakangiting sabi ni Tatay, na may kasama pang bahagyang pagtulak sa akin papunta sa direksiyon ng hagdan.                      NAKAPAGHILAMOS at toothbrush na ako. Hinubad ko na lang ang suot kong damit at itinira na lang ang boxer briefs ko, at saka nahiga na sa kama ko. Napangiti ako nang maalala ko iyung masayang mukha kanina ni Ysa nang ihatid ko siya sa kanila. Mayamaya ay pumikit na ako para matulog na. Saka naman nag-vibrate ang phone ko na nasa ibabaw ng katabi kong unan kaya ramdam na ramdam ko ang vibrate nito.    From: Ysa  Zy….                      Gising pa rin itong babaeng ‘to??? Napabuntong-hininga ako.              To: Ysa  Yeah. .   From: Ysa  Di ba sabi ko sa iyo, text mo ako pag  nakarating ka na sa bahay n’yo?     To: Ysa  I'm home now, Ysa. Night. .   From: Ysa  Huy! Anong night? Usap muna tayo.                     Napabuga ako ng hangin. Hindi pa ba ubos ang energy nito?!     To: Ysa  Ysa, it's f*cking morning already. Tapos  na ang prom. Naka-attend ka. Ano pa ba?     From: Ysa  Grabe naman to… don’t curse. Ang harsh  mo naman... para magte-thank you lang  naman ako sa ‘yo kasi last minute you  came to the rescue.                    Ganun naman lagi di ba, Ysa? Pero hindi ko naman kayang sabihin sa kanya iyon.    From: Ysa  Sorry na.... ang tino naman kasi ng u- sapan namin ni Lander eh.                    Bigla tuloy nag-init ang ulo ko nang maalala ko iyung eksena kanina habang nasa photo booth kami ni Ysa, tapos ay biglang dumating si Lander. Hindi ko tuloy napigilang sumagot kay Ysa.     To: Ysa  Then, why was he at the prom? And  worst, with a different date.     From: Ysa  Malay!                  Hay naku, Ysa….    From: Ysa  Buti na lang andun ka. Well... lagi ka  namang nandiyan when I need you,  di ba. I guess, thank you is not enough.                    Medyo natuwa naman ako sa huling nabasa ko. Medyo napangiti pa nga yata ako.    From: Ysa  Uy, wag mo nang banggitin kay Daddy na an-  dun din si Lander kanina sa Prom, ha. Please...                    Bigla tuloy napawi ‘yong saya na nararamdaman ko. At the last minute, pagtatakpan na naman niya si Lander. Ano ba kasing nakita niya sa bading na iyun?    From: Ysa  Zy... tulog ka na ba?     To: Ysa  Freshen up a little. Magbihis ka na. Maligo ka.  Daldal ka nang daldal diyan.    From: Ysa  Sandali lang naman... Pinapahinga ko pa ang  mga paa ko. Ang sakit kaya! Uy, Zy! Promise mo  ha?                    Kung makasayaw ka kanina kasi, parang hindi ka na magsasayaw forever. Tapos ngayon magrereklamo ka na masakit paa mo!    To: Ysa  Ano na naman ba ‘yun?    From: Ysa  Kainis ka... kanina pa ako dumadaldal dito eh!  ‘Wag mo na lang sabihin kay Daddy na nasa  prom din si Lander.                              Hmp! Suwerte mo kapag hindi ako nadulas!    To: Ysa  Bahala ka. Matulog na tayo.      From: Ysa  Wait! Magkuwentuhan muna tayo!                    What???  To: Ysa  Ysa, madaling araw na oh!    From: Ysa  So? Ang KJ naman nito! Kung si Lander ang ka-  date ko tiyak hanggang mamaya pa kami mag-  uusap nun.                    That’s it! Ako na ang nagsalba sa kahihiyan niya. Ako ang kausap ngayon. Pero si Lander pa rin ang topic namin??!!    To: Ysa  WELL, I AM NOT HIM SO STOP COMPAR-  ING US. KUNG AYAW MO PANG MATULOG,  GO ON TEXT HIM. I'M TIRED. GOODNIGHT!                    Kulang na lang ay ibalibag ko ang phone ko sa inis ko. Pero naturuan kasi ako ni Nanay na ingatan lahat ng gamit na meron ako kaya pigil ang inis na inilapag ko ito sa isang side ng kama ko. Pero muli itong nag-vibrate, at kahit alam ko namang si Ysa iyung nag-text ay dinampot ko pa rin ito.    From: Ysa  Why are you so mean to me? Sa akin ka lang  ganyan, eh. Ha, Zyrus? Hindi porke nagawan  mo ako ng pabor kanina, susungitan mo na a-  ko ng wagas na wagas. Sorry ha! Alam ko hin-  di ka nag-enjoy kanina, kasi ako lang naman  ang kasama mo. Si Ysa lang ako eh! Pasensiya  na! Hayaan mo, last na ‘yung kanina. Hinding-  hindina ako hihingi ng pabor sa iyo forever and  ever! Hmp!!!                    What?? Ako pa ang mean? At kanina ko lang siya nagawan ng pabor? Excuse me? At huwag niyang sinasabi na si Ysa lang siya, kasi kaya nga ako ganito sa kanya dahil si Ysa siya.                  Sana nga. Sana nga totoo iyung sinabi niyang hindi na siya hihingi ng pabor sa akin. Wow lang! Eh, di good for me!    From: Ysa  Wala kang maisagot ‘noh? Hah! Akala ko pa  naman bukal sa loob mo yung pagiging escort  ko, yun naman pala... si Mommy ang nakiusap  sa iyo ha, iremind lang kita. Hindi ako.                  Hah! So, si Tita Annika na ngayon ang humingi ng pabor sa akin. Hindi na siya. Ang galing din talaga nitong si Ysa!    From: Ysa  Nakakasama ka talaga ng loob, Zyrus. Akala ko  pa naman I am special to you. Hindi naman pala!                    Hay naku, Ysa… you do not know kung gaano ka ka-special sa akin. Hindi mo lang kasi nakikita dahil kay Lander ka lang naka-concentrate at laging nakatingin. At talagang ikaw pa ang sumama ang loob? Paano naman iyung sama ng loob ko sa iyo?    From: Ysa  Zyrus Samaniego wala ka bang isasagot????                    Para saan pa? Hindi rin naman ako mananalo sa iyo. Wala akong nagawang maganda para sa iyo. At si Lander lang ang magaling para sa iyo.  From: Ysa  ZYRUS???!                    Tsk!  From: Ysa  Alin sa dalawa, Zyrus? Tinulugan mo na ako  o naka-silent mode ang phone mo?                    Naka-silent mode ang feelings ko sa iyo, Ysa.  From: Ysa  I HATE YOU, ZYRUS.                    Wala namang bago na roon. Goodnight, Ysa my love….  ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD