SMILE

1136 Words
        I was in my room. Kanina pa ako palipat-lipat ng channel sa cable, para maghanap ng magandang palabas. Ibinaba ko sa tabi ko ang remote control ng cable at saka sumandal sa headboard ng kama. Wala naman kasing magandang palabas ngayon.         Sino bang niloloko ko? Walang magandang palabas o wala akong maintindihan sa palabas? Kasi, pagsapit pa lang ng alas-singko ng hapon, wala nang laman ang isip ko, kung hindi si Ysa at ang hindi ko pagpunta sa Prom Night.         Sh*t!!         Dumilat ako para tingnan iyung wall clock sa dingding. Alas-siyete na ng gabi. Siguro ay nag-umpisa na ang program. Baka nga nagkakasayawan na ngayon doon sa hotel. P*cha! Kung gusto ko lang ay pwede akong pumasok doon anytime. Para saan ba at pagma-may-ari namin iyong hotel, kung hindi ko kayang pasukin ‘yun?            Bakit hindi mo gawin, kung sa pagpunta mo roon ay ang ikatatahimik ng loob mo?         Napailing ako. Dinampot ko uli iyung remote control, at saka pinatay na ang walang silbing TV at cable. Paano ba ang gagawin ko? Eh ayaw nga ni Ysa na magpunta ako run ngayon kaya nga niya ako sinuhulan ng donuts last week.         Pwede naman sigurong hindi ako magpakita. Gusto ko lang silipin ang itsura niya. Pihadong siya ang pinaka-magandang estudyante ngayon doon. Eh paano kung makita ako ni Ysa roon? Paniguradong hindi na naman ako papansinin nun.         Tumayo ako at saka naglakad palabas sa terrace ng kuwarto ko. Wala naman akong kakaibang makikita dito kung hindi ang pool sa ibaba ng bahay pero kasi hindi ako mapakali kaka-isip kay Ysa.         Wala sa loob na tumingin ako sa ibaba sa bahagi ng swimming pool. Napansin ko ang dalawang guard namin na tila nagtse-check ng CCTV na malapit doon sa pool. May ilang minuto ko rin silang pinagmasdan pero puro mukha lang ni Ysa ang umookupa sa isip ko kaya naisipan ko na lang na pumasok uli sa loob ng kuewarto ko.         Pero bigla akong napahinto. Tama!         Dali-dali akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng polo shirt saka chino pants at saka humablot ng casual blazer. Bakit ba hindi ko agad naisip iyun?         Bumaba na ako para hanapin si Manong Bert, ang loyal na family driver namin, dahil binata pa lang si Daddy ay nagsisilbi na si Manong Bert sa kanya. Pero biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko kaya napahinto ako para tingnan iyon.   From: Tita Annika Zyrus?            Napakunot-noo ako. Ano kayang kailangan ni Tita Annika?    To: Tita Annika Yes, Tita?    From: Tita Annika Are you at home?    To: Tita Annika Yes po. Why?    From: Tita Annika Oh, good! Ysa called me. She was crying. Can you pick her up now? Nasa meet-and-greet pa kasi ako right now. I don’t think I can make it there sa hotel nio.               Namilog ang mga mata ko sa nabasa ko. Romance writer kasi si Tita Annika nung dalaga pa siya. Nang ipanganak daw niya si Ysa ay tumigil muna siya sa pagsusulat. Pero ngayong malaki na si Ysa at Yoseph, paunti-unti ay nagsusulat na uli siya kapag free time niya. Okay lang naman daw kay Tito Klarence, as long as, sila pa rin ang priority ni Tita.   To: Tita Annika Why, Tita? What happened to Ysa?   From: Tita Annika Actually, I have no idea. Hindi ko siya maka- usap nang matino kanina. Can you go there sa hotel? And then text me asap para I will call you or Ysa.    To: Tita Annika Sure, Tita. No problem. Punta na po ako.    From: Tita Annika Thanks, Zyrus! Mas kampante sana ako kung nag-attend ka rin sana ng Prom. But anyway, I know you have your reasons. Just text me later. Bye.              NAIHILAMOS ko ang kamay ko sa mukha ko. Kung kailan ka naman nagmamadali, saka ka naman mata-trapik. Palibhasa ay araw ng Sabado kaya siguro maraming tao sa kalsada ngayon. Nai-text ko na rin si Ysa na papunta na ako para sunduin siya. Mamaya ko na lang siya tatanungin kung anong nangyari. Tama namang umusad na ang trapik nang tumunog ang phone ko.    From: Ysa Zy, thank you. But you don’t have to do this. Nakakahiya sa ‘yo….            Napailing na lang ako. Really, Ysa? Nahihiya ka talaga sa akin?    To: Ysa Driving, Ysa, Stop texting me. Baka ma- disgrasya pa ako. Nagmamadali na nga akong makarating diyan.    From: Ysa Hala! Bata ka pa, bakit ka nagda-drive?    To: Ysa I have my student license na.   From: Ysa Kahit pa. Dapat di ka na lang pinapunta ni Mommy.    To: Ysa Ysa, do me a favor for now. Stop texting me na please para makarating ako diyan ng buo.    From: Ysa Sungit.               NAGMAMADALI akog nag-park sa special parking ko sa basement ng hotel. Perks of being the son of the owner. Katulad din na may special elevator para sa pamilya namin kaya mabilis akong nakarating sa floor kung saan idinadaos ang Prom Night ng St. Andrew‘s.        Agad kong hinanap si Ysa nang nasa venue na ako. Nai-text naman niya sa akin kung saang bahagi sa venue siya naka-puwesto. Hindi ko na pinansin ang mga tingin sa akin ng mga kaklase at schoolmates namin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko agad si Ysa.        “Ysa!”        “Zy! Buti at nandito ka na,” sagot nito sa akin nang makalapit na ako sa kanya.        Halata ngang umiyak ito kung pagbabasehan ang pamumula ng ilong niya at bahagyang namamagang mga mata.        “Let’s go.” Mamaya na lang ako magtatanong, ang importante ay makaalis na kami. Hinawakan ko ang kamay niya, at saka iginiya na siya paalis doon.        Nang mapatapat kami sa photo booth, nagulat ako nang huminto si Ysa at pigilan ako sa paglakad, kaya napalingon ako sa kanya.        “Why?” tanong ko.        “Picture muna tayo,” sabi nito, sabay nguso sa photo booth na kokonti na lang ang tao na nandoon.        “What??” Tiningnan ko pa siyang maigi kung seryoso siya o nagbibiro lang.        “Minsan-minsan lang ito, kaya samantalahin na natin.” sabi pa niya.        Bumuka ang bibig ko pero parang pati ito ay hindi alam ang isasagot kay Ysa kaya isinara ko na lang uli. Hindi din mai-proseso ng utak ko kung paanong naisip pang magpa-picture ni Ysa sa kabila ng kung anumang dahilan ng pag-iyak niya kanina lang.        “Tara na!” untag niya sa akin, at saka ako hinila sa direksiyon ng photo booth.        Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod na lang kay Ysa. Pumwesto na kami. Medyo nahihiya pa ako kasi unang-una hindi naman talaga ako um-attend ng Prom. Sumundo lang ako.        “Zy, ngumiti ka naman ng bonggang-bongga. Minsan lang ang mga ganitong event kaya kailangan documented. Smile!” narinig kong sabi ni Ysa sa tabi ko.        Napailing na lang ako, sabay sabing, “Tsk! You really are unbelievable, Ysabelle Camila Montenegro.”        Click!     ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD