To: Zyrus
Good morning, Zy!
From: Zyrus
What the heck!
To: Zyrus
Hey! Ang bad mo!
From: Zyrus
Sorry. I'm surprised. Bihira iyung ikaw
ang maunang mag-text.
To: Zyrus
Grabe ka naman sa ‘kin
From: Zyrus
Tapos you called me pa - Zy
To: Zyrus
Well, minsan lang talaga! Kaya dapat
pag ganito sinasamantala mo, ‘noh.
From: Zyrus
Punta ka ba sa F-Day bukas, ganda? May booth
tayong mga Grade 10, di ba?
To: Zyrus
Siyempre naman, ‘noh!
From: Zyrus
Sabay na tayo. Sunduin kita sa inyo. Nine am
To: Zyrus
Ay! Thank you, Zy... Sure yan ha?
From: Zyrus
Oo. Ako pa!
To: Zyrus
See you tomorrow, Zy!
From: Zyrus
Uy! Wait lang. Usap pa tayo.
To: Zyrus
Tawag ako ni Mommy. May iuutos yata. Sige na.
From: Zyrus
Okay. See you tom
Nangingiting ibinaba ko na ang phone sa ibabaw ng kama ko. Yes! Hindi pa rin pala nawawala ang charm ko kay Zyrus. Foundation Day na ng school umpisa bukas. Kailangang kay Zyrus ako makasabay papasok at pauwi. Kapag kasi ang driver ni Daddy na si Kuya Julius ang maghahatid-sundo sa akin sa school, paniguradong may oras ang pag-uwi ko.
Since last week ay excited na ako tuwing gigising ako bago pumasok. Tiyak kasi na maraming pakulo ang school sa buong one week celebration ng Foundation Day. Last Saturday ay binusisi ko na nga ang walk-in closet ko para planuhin na iyung mga isusuot ko sa buong linggo.
Gusto ko nga sanang magpasamang mag-shopping kay Mommy pero alam ko rin namang kokontrahin lang din niya ako. Ikakatwiran niyang marami pa akong damit sa closet na halos hindi ko pa naisusuot o isang beses ko pa lang naisuot.
Anong magagawa ko? Si Lola Minerva kasi, iyung Lola ni Zyrus kay Ninong Chad ay walang tigil ng kapapadala sa akin ng mga damit galling sa Amerika. Mas gusto niyang tumira doon kaysa dito sa Pilipinas dahil hindi raw niya kaya ang init dito.
Naging magiliw sa akin si Lola Minerva dati, noong hindi pa ipinapanganak si Zaekah, ang kapatid ni Zyrus, dahil wala raw siyang apo na babae na pwede niyang bihisan. Lalo na nang malaman nito na parehong ulila na sa magulang sila Mommy at Daddy. Pinanindigan na niyang tumayong Lola ko. Mukhang balewala lang naman sa pamilya Samaniego iyon, at hindi ko kinakitaan ng pagseselos sa akin si Zyrus. Kahit naman ngayong may isip na si Zaekah, ay tila okay lang naman sa magkapatid na nakikihati ako ng atensiyon mula sa Lola nila.
Inayos ko na ang mga damit na isusuot ko for next week. Inihilera ko sila sa isang side ng closet ko at saka satisfied na napangiti. Paniguradong sa akin na naman ang atensiyon ng buong school sa Foundation Day!
PINAGMASDAN ko ang sarili ko sa salamin. Suot-suot ko ang isang floral romper na galing pa rin kay Lola Minerva. Hindi pwedeng hindi angat ang OOTD ko sa buong week ng Foundation Day. I’m Ysa Montenegro, for goodness’ sake! Para saan pa at ako ang nag-iisang prinsesa ng isang Klarence Montenegro kung kasing-level ko lang ang OOTD ng ibang bata sa school?
“Ysa! Nandito na si Zyrus. Bumaba ka na!”
Napalingon ako sa nakasaradong pintuan ng kuwarto ko. “Coming, Mommy!” Ibinaba ko na ang hairbrush na hawak ko.
Pinasadahan ko uli ang itsura ko sa harap ng full length mirror, at saka naglakad na palabas ng kuwarto.
As usual, nandoon na sa ibaba ng hagdan si Zyrus at hinihintay ako para kunin sa akin ang bag ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin habang bumababa ako sa hagdan. Parang ever since na nag-umpisa kaming mag-aral ni Zyrus ay ganito na ang gawain niya.
“Naks naman sa outfit! Parang ikaw ang may-ari ng school, ah!” puna ni Zyrus sa akin.
“Excuse me, Zy… hindi lang isang eskwelahan ang kayang bilhin ni Daddy, ‘noh!” sagot ko sa kanya.
“Oo na, prinsesa ng gasoline stations,” birong sagot niya sa akin.
Palihim akong umirap kay Zyrus. Hindi ko siya pwedeng awayin itong buong week na ito dahil kailangan ko siya.
“Tara na nga. Iinisin mo na naman ako, eh!” aya ko sa kanya.
BIYERNES. Last day today ng celebration ng Foundation Day. Sa lahat ng araw ng Foundation Day, ito ang pinaka-exciting na araw para sa akin!
“Good morning, Zy!” masayang bati ko kay Zyrus nang mabungaran ko siya sa sala namin. Nakayuko ito, at tila may binabasa sa phone niya. Nag-angat ito ng tingin sa akin at saka hnagod ng tingin ang suot ko.
“Ano iyang suot mo?” sabay tanong nito.
Napakunot-noo ako. “Bakit?”
“Anong masama sa suot ko?” dagdag-tanong ko sa kanya.
Ang OOTD ko ngayon ay off-shoulder blouse na hanggang beywang ang haba. May malaking ribbon ito sa gitna sa hemline. Tapos ay tinernuhan ko ng denim skirt na hanggang sa kalahati ng hita ko ang haba at saka white sneakers.
“Hindi bagay sa iyo,” sagot ni Zyrus, pero bakit kakaiba naman ang nakikita ko sa mukha niya ngayon habang pinapasadahan niya ng tingin ang suot ko.
“Haler! Bigay sa akin ito ni Lola Minerva. Don’t tell me na hindi maganda ang taste ng Lola mo sa fashion? In fact, gawa ito ng isang kilalang clothing company sa Amerika,” sagot ko sa kanya.
“Ginawa mo na namang panakot sa akin si Lola. Tara na nga,” may pagsukong sabi nito, at saka kinuha na sa balikat ko ang nakasabit kong sling bag.
Napangiti ako. Tagumpay na naman ako! Sabi ko na nga ba at hindi mananalo sa akin itong si Zyrus eh. Of course naman! What Ysa wants, Ysa gets!
KASALUKUYAN kong pinag-iisipan kung ano ang sasabihin ko kay Zyrus sa text nang makita ko ang pangalan nito sa screen ng phone ko.
From: Zyrus
Wala man lang thank you?
To: Zyrus
Para saan?
From: Zyrus
Dun sa stuffed toy na binigay ko sa iyo kanina.
To: Zyrus
Ah iyun? Bakit pala may pa-ganun ka?
From: Zyrus
Valentine's Day ngayon, di ba? Bigay ko sa ‘yo.
Bigla tuloy akong napatingin sa stuffed toy na hawak ko na inabot kanina sa akin ni Zyrus nung pababa na kami ng kotse nila na sinakyan namin papasok sa school. May kaunting saya akong naramdaman dahil sa effort niyang bigyan ako nito. Mabuti na lang at hindi niya ako nakikita ngayon. Kung hindi, pihadong panay ang alaska na naman sa akin nung isang ‘yun!
To: Zyrus
Ay! Ganun ba. Thanks.
From: Zyrus
Tsk! Nasaan ka na ba? Hindi kita makita sa
school ground. Kanina pa kita hinahanap. Mall
tayo. Nagpaalam na ako kay Tito.
Okay, Ysa. Eto na. Umpisahan mo na. Kailangang ma-convince mo ng bonggang-bongga si Zyrus.
To: Zyrus
Naku, Zy, bigla kasing nagkayayaan. Hindi mo
naman sinabi kanina na yayayain mo ko. Dapat
sinabi mo kanina sa car.
From: Zyrus
What?? Nagkayayaan saan? Malalagot ako kay
Tito Klarence niyan, Ysa. Ano ka ba naman?
Come on, Ysa. Balewala lahat ng isang linggo mong acting sa harap ni Zyrus kung hindi mo malulusutan ito…
To: Zyrus
Iyun eh, kung sasabihin mo. Eh, di wag mong
sabihin. Pls....
From: Zyrus
Ysa naman, eh...
Konti pa, Ysa…. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply para kay Zyrus. Naririnig ko naman sa likuran sila Claudette at Farrah na masayang nagtatawanan. Actually, nandito na kami sa parking lot ng school. Nakasakay na iyung iba sa van ni Lander. Ako na lang ang hinihintay nila.
To: Zyrus
Sige na, Zy.... Ngayon lang to. Promise! Sige na.
From: Zyrus
Hmp! Kaya pala ang sweet mo last week pa.
May plano ka na pala.
Oh no! Hindi dapat mahalata ni Zyrus na ginamit ko lang siya….
To: Zyrus
Hindi ah! Biglaan lang to. Sige na naman oh...
From: Zyrus
Sinong kasama mo.
Oh M! Mukhang malapit nang ma-convince si Zyrus!
To: Zyrus
As usual, sila Bettina.
From: Zyrus
Sinong sila?
To: Zyrus
Siyempre si Claudette at Farrah. Apat lang
naman kami na magbe-bestfriends, di ba?
From: Zyrus
Puro babae lang kayo?
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Paano kung hindi ko mapapayag si Zyrus? Ugh! Ang tagal kong pinlano ito!
To: Zyrus
Ahm... kasama din ‘yung grupo nila Lander?
Behave lang ako, Zy. Promise! Saka uuwi ako
agad. Hindi malalaman ni Daddy na hindi ikaw
ang kasama ko. Okay na, ha.....
From: Zyrus
Bakit kasama pa iyung bading na ‘yun?!
Bading??! How dare he call Lander ‘bading’? Nag-inhale/exhale muna ako para alisin ang namuong inis sa dibdib ko kay Zyrus. Anong karapatan niyang siraan sa akin ang crush kong si Lander?
To: Zyrus
Grabe ka! Hindi bading si Lander!
Ang cute kaya nung tao! Saka sila nga
ang nag-aya. Sila daw ang manlilibre.
From: Zyrus
Libre lang pala gusto mo. Ako na lang ang
manlilibre sa ‘yo.
Tsk! Eto pa ang isang nakuha niyang ugali kay Tito Chad eh. Makulit!
To: Zyrus
Zyrus naman, eh! Hayaan mo naman akong
malibre ng crush ko. Apat kami nila Bettina
tapos apat din sila Lander kaya marami naman
kami. Okay na ba, Tatay?
Ooppsss! Bakit ko ba nailagay yung ‘Tatay’? Baka magalit si Zyrus. Kasi naman! Nakakainis na kasi siya, eh! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko.
From: Zyrus
Bahala ka!
Napangiti ako sa nakita kong reply sa akin ni Zyrus. Yes! May magic pa rin ang charm mo ka Zyrus, Ysa…
To: Zyrus
Zy? Is that a Yes?
Mabuti na iyung sigurado. Baka mamaya baligtarin pa ako ni Zyrus sa parents ko. Ilang minuto din akong naghintay ng reply ni Zyrus pero wala akong na-receive kaya tinext ko uli ito.
To: Zyrus
Huy, Zyrus!
To: Zyrus
Uwi ka na. Aalis na daw kami. Iyung van nila
Lander ang gagamitin daw namin. Huwag mo
ko isumbong, Zy ha.
Pero wala pa rin akong natanggap na response mula kay Zyrus. Imposible namang na-low batt iyun eh pwede naman siyang mag-charge sa kotse nila. Pero di ba ‘Silence means Yes’?
To: Zyrus
Thank you, Zy. Bilhan kita ng donut.
~CJ1016