DONUTS

1173 Words
        Kanina pa ako nakahiga sa kama ko, pero hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Grabe! Ang saya-saya ko lang ngayong araw. Ilang oras ko ring nakasama si Lander sa lakwatsa sa mall.         Dumapa ako at saka binuksan ang gallery ng phone ko. Tiningnan ko uli isa-isa iyunng mga pictures naming na kuha kanina sa mall. Mas nagtatagal ako sa mga solo picture naming ni Lander. Ilang beses ko na nga bang tiningnan itong mga pictures na to? Hindi ko na yata mabilang. At hindi ito mangyayari kung hindi dahil kay Zyrus.         Kaya binilhan ko siya ng favorite niyang donut!         Tamang-tama, bukas, may get-together kami kasi Sabado. Tiyak na matutuwa iyun kapag ibinigay ko na sa kanya yung isang box na favorite donuts niya.          Nakangiti pa ring nag-compose ako ng text ko para sa kanya.   To: Zyrus Zy, binilhan kita nung favorite mong donut            Parang nakikinita ko na ang reply niya. Paniguradong tuwang-tuwa iyon kasi naalala ko siyang bilhan. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay tahimik pa rin ang phone ko. Napabalikwas ako ng bangon, at saka muling nag-compose ng message para kay Zyrus.    To: Zyrus Zy? Huy!            Tiningnan ko ang relo. Maaga pa naman, ah! Imposible namang tulog na ‘yon? Hindi naman ‘yun natutulog nang ganito kaaga.    To: Zyrus Zyrus Samaniego! Mag-reply ka naman.         Pero dedma pa rin ako kay Zyrus. Tawagan ko kaya? Kaya lang baka may makarinig ng usapan namin at mabuko pa ako nila Mommy na tumakas ako kanina. Kaya tinext ko na lang uli si Zyrus.   To: Zyrus Ah basta, Zy. Bukas sa get-together ibigay ko yung donuts mo. Thank you kanina. You made my day!                 KINABUKASAN, nagising pa rin ako na may ngiti sa labi. Kung pwede nga lang na Lunes na ngayon para makita ko na uli si Lander. Kaso hindi ganun, eh. Sabado pa lang ngayon, at may Linggo pa bukas. Ibibigay ko muna iyung reward ni Zyrus mamaya.         Nang maalala ko iyong donuts na binili ko para kay Zyrus ay dali-dali akong bumangon para bumaba. Inaalala kong baka mabawasan iyon ni Yoseph, ang anim na taong gulang kong kapatid, dahil nilagay ko iyung box kagabi sa ref namin.         Pagkapasok ko sa kitchen ay saktong may inilalabas na kahon ng donuts si Yoseph.         “Yoseph!” malakas na tawag ko dito kaya napalingon ito sa akin.         “Para kay Zyrus iyan,” sabi ko dito.         “Eh! Gusto ko nito, eh,” pagre-reklamo nito.         Nakangiting kinuha ko sa kanya ang kahon, at saka ibinalik sa loob ng ref.         “Ate!” narinig kong reklamo niya uli.         “Ysa, Yoseph. Ano na naman ba ‘yan?”         “Si Ate, Mommy. Ayaw ako bigyan ng donut. Para kay Kuya Zyrus daw iyun,” pagsusumbong ni Yoseph.         Nakita kong kumunot ang noo ni Mommy, at saka nameywang. Binalingan ko naman si Yoseph.         “Baby brother… eto ang para sa iyo. Favorite kasi ni Kuya Zyrus iyung isa. Okay?” sabi ko sa kanya.         Nakita kong ngumiti si Yoseph. “Yehey!!! Thank you, Ate!” Nakangiting ginulo ko ang buhok nito, at saka naglakad papunta kay Mommy.         “Himala! Bakit may pasuhol ka kay Zyrus?” tanong nito nang matapat ako sa kanya.         “Grabe ka, Mommy… suhol agad? Hindi ba pwedeng pa-thank you ko lang kay Zyrus kasi one week niya akong isinabay sa school?” Kunwari ay nagtatampo ako sa tono ko.         Ngumiti si Mommy sa akin. “Joke lang! Natutuwa lang ako, at mabait ka na ngayon kay Zyrus,” sabi pa niya.         “Mommy?! Grabe ka talaga sa akin…” sabi ko, at saka sumimangot pero tinawanan lang ako nito.         Bakit ba lagi na lang si Zyrus ang kinakampihan ni Mommy?         “Mag-almusal ka na, tapos maligo na. Maya-maya lang ng konti nandito na sila Zyrus,” sabi ni Mommy sabay halik sa ulo ko.         Nakangiti akong tumango at saka umalis na doon.             NAGLALARO kami ng video game nila Yoseph at Cassandra, ang panganay na anak ni Tito Judd at Tita Clover. Samantalang nanonood naman sa amin si Jett at may sariling mundo naman ang kakambal ni Jett na si Josh at si Hyacinth, na anak naman ni Ninong Adam at Ninang Hannah. Ang sanggol na kapatid ni Hannah na si Ace ay kasama ni Ninang sa ibaba, na malamang ay kahuntahan na si Tita Clover at Mommy. Ang pamilya na lang nila Zyrus ang wala pa dito.         Pero mayamaya lang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan nila Zyrus. Salamat naman, maibibigay ko na kay Zyrus iyung donuts niya!         Pero natapos na iyung laro namin ay walang pumasok na Zyrus sa gaming room. Tumayo ako para sana bumaba at silipin kung bakit hindi umakyat si Zyrus nang biglang bumukas ang pintuan at iluwa noon si Zaekah, ang batang kapatid ni Zyrus.         “Hi, baby Zaekah! Asan si Kuya mo?” nakangiting bati ko dito.         Sinagot ako nito ng iling. “Wala. Wala Kuya,” dagdag pa nito.         “Ha? Hindi n’yo kasama si Kuya?” paglilinaw ko.         Pero bago pa uli nakasagot si Zaekah ay sumulpot si Ninang Pepper sa likuran niya.         "Mga bata! Baba na. Kakain na tayo,” nakangiting aya nito sa aming lahat.            Agad na nagtayuan ang mga kasama kong bata sa kuwarto at saka sunod-sunod na nagsipaglabasan.         “Ninang, hindi n’yo daw kasama si Zyrus?” tanong ko kay Ninang Pepper.         “Ah, oo. Biglang nagpahatid kahapon doon sa dati naming tinitirhan, sa kababata niyang si Biboy. Matagal na daw silang hindi nagkikita. Doon na siya natulog kagabi. Mamaya na lang daw namin siya sunduin pagkatapos dito,” nakangiting sagot ni Ninang Pepper.         Nakaramdam ako ng pagkalungkot. Siguro dahil sa nag-effort akong bumili ng donuts kahapon para sa kanya tapos hindi naman pala siya pupunta ngayon.         “Tara na sa baba,” aya uli sa akin ni Ninang Pepper.   To: Zyrus Zy, bakit wala ka kanina?            Alas-sais na ng gabi at lahat ay nakaalis na. Nililigpit na lang ni Mommy at Manang Trining ang ilang gamit sa kusina.    To: Zyrus Zy. Bakit di ka nagre-reply?            Nagulat pa ako nang magsalita si Mommy. “Oh, Ysa? Bakit di ka pa magpahinga sa kuwarto mo?” tanong nito.          Tumayo na ako. “Sige po, Mommy. Akyat na ko.” sagot ko sa kanya.    To: Zyrus Zyrus! Galit ka ba?            Iyon agad ang banat ko kay Zyrus pagkapasok ko sa kuwarto ko. Kanina pa kasi nakaramdam ng inis kay Zyrus. Kagabi pa niya ako hindi nire-replayan sa mga messages ko.  In fact, sa sobrang inis ko ay pinakain ko kanina sa get-together iyung mga donuts na dapat ay para sa kanya.          Pero ganunpaman, hindi ako pwedeng magalit kay Zyrus. Hindi ko siya pwedeng awayin. Baka mamaya ay sumpungin iyun at isumbong pa ako kay Daddy na tumakas ako kahapon.         Kinalma ko ang sarili ko at saka muling tumipa ng mensahe para kay Zyrus.   To: Zyrus Sa Monday, ako naman ang susundo sa iyo pag- pasok. Bilhan uli kita ng donuts kasi pinakain ko na kanina sa kanila yung donuts mo. See you on Monday, Zy!     ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD