[Zyrus] “Ang kapal ng mukha nung Vargas na ‘yon!” Pulang-pula ang mukha at leeg ni Tito Klarence, habang palakad-lakad sa sala nila Tito Adam. Dito na kami deumerecho ni Ysa pagkagaling sa mall. At halos magkakasunod lang na nagdatingan ang tatlong pamilya dito, at pati na si Tito Lance. Pati si Lander ay napasugod din dito. Tinawagan niya kanina si Ysa, nang nasa biyahe kami papunta dito kina Tito Adam. Naka-upo kami ni Ysa sa sofa habang patagilid na yakap ko ito. Nasa kabilang tabi naman niya si Tita Annika, na manaka-naka ay hinahagod ang likod ni Ysa. Lubha akong naawa kay Ysa. She doesn’t deserve this. Walang sinumang may karapatang sirain si Ysa! “Don’t worry. Hawak na ng NBI si Danah San Miguel. Apparenly, in-offer-an siya ni Mr.