Bahagya akong nagulat nang may ingay akong narinig. Ilang sandali ko ring in-analyze kung ano ‘yung tunog na ‘yun. Saka lang nag-sink in sa akin na ringtone ng phone ko iyong naririnig ko. Malamang si Daddy na naman itong tumatawag… Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata para hanapin sana kung saan ko naipatong iyong phone ko kagabi. Pero ako ang nasorpresa sa nabungaran ko. Bakit wala si Zyrus sa tabi ko? Ang aga naman niyang bumangon? Pero lalo akong nagtaka nang ma-realize ko na nakahiga ako sa sarili kong kama sa bahay. Bigla akong napabalikwas ng bangon. Iginala ko ang tingin ko. Bakit ako nasa kuwarto ko? Nang hagilapin ng mga mata ko iyung phone ko ay tamang-tama na nawala na iyung tumatawag. Buti na lang. Dahil kung sino man siya ay wala mun