Katulad nga ng sabi ni Lolo, sa ayaw man o sa gusto mo, magigising ka sa tunog ng papalapag na chopper na pag-aari ni Daddy sa loteng sadyang ipinagawa para maging helipad nito. Ang alam ko eversince na tumuntong si Daddy dito sa resort ni Mommy ay iyon nang lugar na iyon ang naging official na landingan ng chopper niya. So, walang nangangahas sa mga tauhan ng resort na maglagay o pagtambakan ng kung anu-ano iyung lugar na iyon. Kahit pa nung sumama na si Mommy kay Daddy sa Manila, at pasulpot-sulpot na lang kami dito ay nanatiling malinis at open space iyung lugar na iyon. Bitin man ako sa tulog ay agad na nawala ang antok ko, sa isiping nandiyan na ang pamilya ko. At si Zyrus siyempre! Kahit papaano ay nabuhayan ako ng pag-asa na may halaga pa rin ako kay Zyrus