Tunog ng alarm ng phone ko ang gumising sa akin. Kalokohan, Ysa. Anong gumising? Eh, hindi ka naman natulog. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Sige self, lokohin mo pa ang sarili mo! Hinila ko ang comforter paitaas sa mukha ko para matakpan ito. Ano bang magagawa ko kung hindi ako pinuntahan ni antok kagabi? Kahit anong pilit ko sa sarili ko na makatulog ay hindi ko magawa. Kung anu-ano ang naiisip ko. Kung anu-ano ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. Nagkamali ba ako na pinilit ko si Zyrus na maging boyfriend ko? Tama nga yata ang mga kaibigan ko. Hindi na ba gumagana iyong magic ng ‘what Ysa wants, Ysa gets’? Wala na ba akong charm kay Zyrus? Wala na ba siyang pagtingin talaga sa akin katulad noong mga bata pa kami? May relasyon na ba