Lumipas ang ilang araw na naging maayos ang buhay ko, namin ni Rhyan. Inihahatid-sundo niya ako araw-araw sa school at naging bodyguards ko ang ilan sa kanyang mga kaibigan lalo na't napapansin pa rin namin si Niall na umaali-aligid sa akin. "May napili ka na ba?" tanong ni Rhyan habang naririto kami sa isang sikat at mamahaling bridal botique para sa ipatatahi naming gown ko. Natapos na siyang sukatan ng Tailor dahil naisip niyang ipatahi na lang din ang tuxedo at pants niya kasabay ng sa akin. "Ang bobongga kasi nito, Master at sobrang mamahal. Isang beses lang naman itong susuotin eh," nakasimangot kong sagot habang patuloy ako sa pagbuklat sa pahina ng gowns book catalog. Kanina pa ako hindi makapagdesisyon sa gown na gusto ko dahil ang gusto ko sana ay simple at mura lang. "Hind