CHAPTER 37: SISTER VICTORIA

2313 Words

Habang nasa loob kami ng sinehan ay pinilit kong maging kalmado at hindi nagpahalata kay Rhyan na nakakaramdam ako ng takot at pag-aalala dahil nasa paligid ang grupo ni Niall.  "Rhy, uwi na tayo. Sumasakit ang tiyan ko," daing ko sa kanya kahit hindi naman.  Nasa kalagitnaan pa lamang kami ng panonood ng movie na hindi naman Frozen pero hindi ko na rin naintindihan kung ano dahil hindi ako mapakali sa kaiisip at sa pa-simpleng paglingon-lingon sa paligid.  Nag-aalala ako na baka sumunod hanggang dito sa loob ng sinehan ang grupo ni Niall. Si Rhyan naman ay kasalukuyang naka-akbay sa akin at prenteng nakaupo sa aking tabi. "Baka naman sa mga kinain mo?" tanong niya naman at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.  Naubos na rin kasi ang pagkain namin kanina bago pumasok dito sa sinehan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD