"Are you ready?" tanong ni Rhyan sa akin habang naghahanda na kami sa pagtungo sa Rizal kung saan matatagpuan si Sister Victoria. Sa totoo lang ay kinakabahan ako at kanina pa ako hindi mapakali. Pero kailangan kong harapin ito at tibayan ang aking loob kung gusto kong matapos ang problemang ito. Marahan akong tumango sa kanya kasunod ang paghinga ko ng malalim. Mas lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang pareho kong kamay. "Just no matter what happens, don't ever leave my side. Never let go of my hand, a'right?" taimtim niyang sabi habang nakatitig sa aking mga mata. Paulit-ulit naman akong tumango sa kanya. "Yes, Master." "And where the hell are you, guys going? Sasama ako!" Muntik na kaming mapatalon sa gulat ni Rhyan nang biglang may nagsalita kasunod ang mabilis na pagpasok