"Pinsan?" mahinang tanong ng binata kay Accel at napasin namin ang muli nitong paghinto at paglingon kay Accel "Yeah, kaya lang katulad nga nang sinabi ko kanina, sira-ulo ang pinsan kong 'yon. Malaki ang sayad sa utak. Para bang naligaw lang siya sa pamilya ng mga Delavega at Parker," kibit-balikat na sagot sa kanya ni Accel. Hindi na siya sinagot ng binata na nagpakilalang Jacob at malamang, si Niall Jacob ang tinutukoy niyang sira-ulo. "Okay ka lang, Rhy? Isuot mo na lang itong coat mo," sabi ko naman kay Rhyan kasabay nang tangka kong paghubad sa coat niyang suot ko ngunit mabilis niya akong pinigilan. "It's okay, baby. Ikaw na ang magsuot niyan para hindi ka lamukin." "Pero--" "Nah, I'm fine." Kaagad niya akong niyakap kaya wala na akong nagawa pa. "How about you? Are you okay?"