Namayani ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sasakyan habang tinatahak na namin ang daan pauwi ng siyudad. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas at naging blangko ang buo kong isipan. Ilang oras ang lumipas bago namin narating ang gate ng subdivision kung saan naroroon ang mansion ng mga Mcfadden. Sa Accel naman ay natanaw kong mahimbing na natutulog sa backseat. "Ihatid mo na muna ako sa bahay namin," mahina kong saad nang hindi siya nililingon. "Sia--" "Pakiusap, gusto kong mapag-isa." Natahimik siya at ilang sandali ang lumipas bago niya ipinapatuloy ang pagmamaneho hanggang sa marating namin ang sumunod na gate. Ipinasok niya ito sa loob at sampong bahay lamang ang bibilangin bago namin marating ang aming mansion. Kaagad akong bumaba, bitbit ang school bag ko at mabilis na