Naagaw ang aming atensyon ng isang tumutunog na cellphone. Binitawan ako ni Rhyan at humugot siya sa kanyang bulsa. Kaagad niya rin itong itinapat sa tainga niya. "Dad...yeah. Ahm, I'll just take Sia to school and I'll be back too.....Yes, Dad....A'right." Ibinaba niya rin kaagad ang phone at ibinalik sa kanyang bulsa. Hindi ko narinig ang sinabi ng Dad niya pero sa tingin ko ay tungkol iyon sa opisina dahil araw ng trabaho ngayon. "We have a meeting today in the office--" "Huwag mo na akong ihatid--" "No. I'll take you. C'mon." Kinuha niya ang isa sa mga helmet na nakasabit sa unahang bahagi ng motorsiklo at isinuot niya ito sa akin. Isang coat din ang ipinasuot niya sa akin na nakasampay din sa unahang bahagi bago niya isinuot ang isa pang helmet sa kanya. Pero bakit naman kaya mot