CHAPTER 42: SARGENTO MAGABAT

1845 Words

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko sa bulsa ko. Napalinga ako sa paligid at ngayon ko lamang napagtanto na magdidilim na pala at hanggang ngayon ay naririto pa rin ako sa harapan ng puntod ni Daddy. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako! Kaagad kong hinugot mula sa bulsa ko ang phone na ayaw huminto sa katutunog at nakukulele na ang tainga ko! At napanganga ako nang makita kong si Rhyan ang tumatawag. Kaagad lumakas ang kabog ng dibdib ko. Siguradong nasa school na siya sa mga oras na ito at hinahanap na niya ako. Mabilis na akong tumayo kasabay nang pagdampot ko sa bag ko bago ko sinagot ang tawag niya. "R-Rhy--" "SIA! WHERE THE HELL ARE YOU?!" Kaagad kong nailayo ang phone mula sa tainga ko nang marinig ko ang napakalakas niyang sigaw mula sa kabilang linya. Tumining

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD