Malaki ang ipinagtataka ko kung paano nakilala ni Niall ang ama ko o maaari din namang nagsisinungaling lang siya upang makuha niya ang simpatya ko. Kung ang pagbabasehan ay ang grupo niyang hindi malayong gumagamit ng droga ay maaari ding nagsasabi siya ng totoo. Hindi kaya si Dad at si Niall ay nasa iisang grupo? Hindi kaya doon sila nagkasama at nagkakilala? Pagbaba ko ng jeepney ay huminto ako at napatitig sa Police Station na nasa aking harapan kung saan natatandaan kong pinuntahan namin noon ni Mommy dahilan sa pagkakapatay kay Dad at sa pagkakasangkot niya sa grupo ng illegal syndicate. Hindi ko lang matandaan kung sino 'yong police na kumausap sa amin noon ngunit ngayon ay alam ko na. Si Sargento Magabat. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinto ng Polic