Rhyan's POV "Anak Olaf, pitong buwan ka nang natutulog. Hindi mo ba namimis si mommy? Hind mo ba namimis ang daddy mo at ang kapatid mo?" Nagising ang diwa ko sa paulit-ulit na mga salitang namumutawi mula sa kanya. I always hear her crying and talking to me but why can’t I still open my eyes? I was still unable to move my body. It seems like something is still holding me back. It was as if I was waiting for something else. May iba pang taong gusto kong sumalubong sa akin at para bang sa kanya lang ako makakakuha ng lakas na bumangon muli. "Baby..." I heard Dad's familiar voice. "Baby, anong sabi ng Doctor? Bakit hindi pa rin nagiging ang anak natin?! Ang tagal-tagal na niyang natutulog!" Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng aking ina. Ramdam ko ang bigat na dinadala niya ngunit an