Sinag ng araw ang unang nasilayan ni Gwen nang idilat niya ang kanyang mga mata. Pumikit pa siya dahil ramdam pa rin ang pagkirot ng kanyang tiyan kaya napamaluktot siya. Ngunit muling sumilip ang sinag ng araw dahilan upang tuluyang idilat ang mga mata nang bigla ay nagulat sa makitang tanawin. Agad na iginala ang tingin sa buong lugar at nagulat siya nang mapagtantong wala siya sa condo unit ng kaibigang si Ruth. "Nasaan ako?" mabilis na turan habang pinag-aaralan ang buong silid saka mabilis na lumabas sa sliding door na tumatagos sa beach view. "Nasaan ako?" gulong-gulong saad sa sarili ni Gwen nang halos mapatalon siya nang may magsalita kung saan. "Nasa beach resort, hindi mo ba nagustuhan?" baritonong tinig ng lalaki. "Ay!" tili niya sa gulat saka binalingan ang lalaki at inira