Nakarating agad sila sa hospital at dahil may lumabas ng tubig mula sa kaniyang puwerta ay agad na siyang isinugod sa delivery room. At hindi na sumama sa loob si Shukai, habang naghihintay sila ay tinawagan naman niya ang mga magulang. At ipinaalam ang tungkol sa kaniyang asawa. Wala naman itong sinayang na oras at dali-daling silang sumugod sa hospital. Sapagkat excited na rin ang mga itong makita ang kanilang unang apo. At habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay napansin ni Shannel na mayroong nakasunod sa kanila na isang kotse na pula. "Shann, what's wrong?" tanong ng kaniyang ama. "Dad, there's a red car following us." "Where?! Call the police right now!" utos nito. "Yes, Dad!" "Dapat kasi hindi mo inaalis ang mga bodyguards mo." Kinabahan si Mrs. Labrador, at dali-daling