Lumabas si Shukai at pinuntahan ang anak sa nursery room. Nang makabalik ito ay karga na niya ang sanggol. "Pa, Ma. Ito na po ang apo ninyo." Masaya niyang inabot ang sanggol sa kaniyang mga magulang. "OMG— ang cute naman ng nephew ko." Shannel said. "Ang guwapo naman ng apo namin. Welcome to the world apo," sabi naman ni Mrs. Nenet. "Saan nagmana, kumpadre?" nakangiting tanong ni Mr. Dizen. "Of course sa akin!" "Anong sa'yo?! Nakapikit ka yata, eh! Sa akin kaya 'yan nagmana," anito at kunwaring nagtampo. "Anong sa'yo?! Tingnan mo nga itong mata ng apo ko, oh!" turan ni Mr. Franco. "Oh— Don't tell me, sa'yo rin ang ilong!" Seryoso si Mr. Yonon at lumapit na rin sa kaniyang apo. Nagtawanan silang lahat dahil pango ang ilong ni Mr. Franco. Samantalang matangos naman ang ilon