"Tatlo ang kinaso sa kaniya, ma'am. Rape, Child Abuse, Murder." turan nito. "Parehong mabibigat ang tatlong kaso." sambit ni Shukai. "Manong, ano ba ang nangyari?" tanong ni Bailo. "Ma'am, itinatanggi kasi nang kapatid ko na wala siyang ginawa sa dalagita. At naniniwala ako sa aking kapatid, ma'am, mabait kasi 'yon. Inaamin niya sa akin na kaibigan niya ang dalagita at palagi silang nag-text. Noong araw na nangyari 'yon nag-text raw iyong kaibigan niya at humingi ng tulong. Kaya nagpunta siya sa bahay ng dalagita. Tahimik raw ang bahay at nakabukas ang pinto. Nang pumasok siya ay may bigla raw na pumalo sa kaniyang ulo. Nang magising siya ay marami na raw ang mga tao sa paligid at katabi na niya ang bangay ng kaibigan niya. At hawak-hawak na niya ang patalim." Mahabang kuwento ni Nono