NAGTAKA si Nonong, dahil may dalawang sasakyan ang huminto sa kanilang harapan at sa tingin niya ay sasakyan ito ni ni attorney Bailo. Lumabas siya at hinihintay na bumaba si attorney, sumunod rin sa kaniya ang asawa niya. "Pa, sino 'yan?" tanong ng kaniyang asawa. "Si attorney Labrador yata 'yan." "Hala! Dinnes— " Gulat ang reaksyon ng kaniyang asawa nang makita ang kaniyang bayaw. "Dinnes!" gilalas ni Nonong, at tumakbo ito upang salubungin ang bunsong kapatid Hindi pa nga nayakap ang kapatid ay umiiyak na ito. "Kuya—" Nabitawan ni Dinnes ang bag at sinalubong ang nakakatandang kapatid. "Dinnes..." aniya at humagulgol ito ng iyak dahil sa sobrang saya. "Salamat, kuya—" At humagulgol rin ito. "Kay, attorney ka magpapasalamat dahil siya ang tumulong sa iyo," aniya kahit hi