"Pre, na-open namin ang SIM card at sa lalaki ito, pre." "Good! Pre, may favor sana ako. Puwede mo bang puntahan si Dinnes, sa kulungan at tanungin mo kung nasaan ang phone niya. May emergency kaming pinuntahan ni Bailo ngayon." "Okay, pre. Pupuntahan namin ngayon ni Martin." "Gawan niyo ng paraan, pre. Para ma-recover ang lahat-lahat na conversation doon. Kasi ang sabi niya pagtingin niya sa mga messages ay deleted na ang lahat." "Okay, pre. No problem." Natapos ang kanilang pag-uusap at agad namang kumilos si Martin at Darwin. Dumating naman sina Bailo sa hospital at agad tinawagan ni Shukai ang kaniyang tauhan. Sinabi nitong nasa emergency room pa sila at nagkamalay na ang Ginang. Dali-dali naman silang nagtungo sa emergency room. "Bai, nandoon sila," he said at itinuro ang h