BALIK sa trabaho si Shukai matapos ang kanilang isang linggong honeymoon. At si Bailo naman ay palaging nasa bahay lang ito. Sapagkat masilan ang kaniyang pagbubuntis at gusto na lang nito na palaging natutulog. "Bai, lunch time na," pukaw ni Shukai nang makauwi ito ng tanghalian. At masuyo niyang hinahaplos ang tiyan ng asawa. "Hmmm... tanghali na pala? Dito ka muna..." paglalambing niya at pinahiga ang asawa sa kaniyang tabi. Humiga naman ito at agad niyakap ni Bailo. "Kumusta ang work mo?" "Okay lang naman not totally busy. Gusto mo bang dito na tayo mag-lunch?" "Uhmm... uhmm..." malambing nitong tugon. "Okay, tawagan ko muna si Nanay." Bahagyang bumagon si Shukai at tinawagan ang katulong sa telepono. Sinabihan niya itong dalhan sila ng pagkain sa itaas. Nang matapos ay mu